^

PSN Opinyon

‘Napagkamalan... NIRATRAT’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ISANG kaso na naman laban sa mga pulis ang tapik para sa araw na ito.

Nagsadya sa aming tanggapan si Josephine Cruz ng Bagong Silang, Caloocan City upang humingi ng tulong hinggil sa kasong isinampa niya laban sa mga pulis na bumaril sa kanyang mga anak – sina July Rex alyas Rey-Rey, 16 taong gulang at Cruzado alyas Adong , 21 taong gulang naman

Ika-2 ng Hunyo 2004 sa pagitan ng alas-3 hanggang alas-4 ng madaling araw sa tapat ng isang vulcanizing shop sa Bagong Silang, Caloocan City nang maganap ang insidente.

"Naanyayahan sa isang inuman ang anak kong si Cruzado ng mga kaibigan nito - sina Honorio Estriber at Andy. Sinundo ni July Rex ang kanyang kapatid sa inuman at nagyayang kumain ng lugaw," kuwento ni Josephine.

Napilitan si Cruzado na magpaalam sa kanyang mga kaibigan para pagbigyan ang nakababatang kapatid. Habang naglalakad ang magkapatid papunta sa kainan ng lugaw sa Pangan Highway, dalawang tricycles ang mabilis na dumaan. Ang mga sakay nito ay may dala-dalang mahahabang baril. Narinig ni Cruzado ang malakas na sigaw, ‘Hayun, hayun!’ sabay putok ng baril sa mga ito.

"Tinamaan ng baril si Cruzado hanggang magkahiwalay na raw silang magkapatid. Tumilapon na siya sa isang kanal pero patuloy pa rin siyang binabaril ng mga suspek. Ang akala nila napatay na nila ito," sabi ni Josephine.

Samantala narinig umano ni Cruzado ang pagtawag sa kanya ni July Rex. Nang mapansin nitong tahimik na ang kapaligiran ay saka pa lamang tumayo si Cruzado at mabilis na nilisan ang lugar na pinangyarihan ng insidente.

"Nagpapatunay lamang na buhay pa ang anak ko at marahil doon nila ito dinala sa Grema sa may Caloocan din at saka nila ito pinagbabaril. Patay at nakahandusay na sa kalsada ang anak ko," sabi ni Josephine.

Napagkamalan umano ng mga pulis na holdaper ang magkapatid kaya sila hinabol ng mga ito. Inirereklamo umano ng isang nagngangalang Niñalyn Platoon ang mga biktima nang panunutok at sapilitang pagkuha ng bag nito. Ayon sa mga pulis, nakipagbarilan sa kanila ang biktima.

"Negative sa paraffin test ang anak ko kaya naman imposibleng makipagbarilan sa kanila ito. Walang katotohanan din ang bintang nilang holdaper ang mga anak ko dahil marami ang nakakita na walang hawak na anumang bagay ang anak ko nang barilin siya ng mga suspek," pahayag ni Josephine.

Ayon pa kay Josephine, walang criminal record ang kanyang mga anak lalo na ang napatay na si July Rex sapagkat ito’y nag-aaral pa. Sa salaysay ng mga suspek, na nasa tapat ng ulo ng biktima ang bag na sinasabing inagaw nito sa isang Niñalyn Platoon kaya nagawa nilang barilin ito.

"Nasampahan ng kasong Robbery ang mga anak ko. Gusto nilang lusutan ang krimeng ginawa nila dahil ‘yung sinasabi nilang complainant hindi naman na umattend ng hearing. Kitang-kita rin sa mga papeles na tila dinuktor lang ang pirma nung Niñalyn dahil magkakaiba ang mga pirma dito," pahayag ni Josephine.

Dahil dito, nagsampa ng kasong murder, frustrated murder at planting of evidence ang pamilya Cruz laban sa mga suspek. Subalit nalungkot sila nang lumabas ang resolution mula sa Prosecutor’s Office ng Caloocan sapagkat na-downgrade na lamang ang kaso sa Homicide at Attempted Homicide. Sina SPO1 Hilario Ganut at PO1 Donato Lastrado lamang ang nasampahan ng kasong homicide at attempted homicide habang nadismiss naman ang kasong isinampa kina PO1 Alexander Arquilles, Joselito Bagting at PO2 Andrade Adovas.

"Dismayado talaga kami sa naging resolution. Nagfile kami ng motion for reconsideration para maiakyat muli ang kaso sa murder at frustrated murder," sabi ni Josephine.

Subalit hindi sila pinaboran. Denied ang kanilang motion for reconsideration sapagkat hindi raw umano umabot sa deadline para i-file nila ito.

"Bago pa lang magdeadline ay nai-file namin ito kaya nagtatanong kami sa tanggapan ni Fiscal Gravino. Hinihiling din namin sa kanila na ipakita ang record na magpapatunay na nahuli kaming i-file ito," pahayag ni Josephine.

Hangad ng pamilya Cruz na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni July Rex at sa nangyari kay Cruzado.

Nais kong pasalamatan ang tanggapan ni Administrator Benedicto Ulep ng Land Registration Authority sa walang sawa niyang pagpapadala ng representative sa aming tanggapan para sa may mga problema sa lupa. Nagpapasalamat din ako kay Deputy Corazon Bilog ng Registry of Deeds ng Pasig.

Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09209672854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Ugaliing makinig sa aming radio program "HUSTISYA PARA SA LAHAT" kasama si DOJ Secretary Raul Gonzalez, Prosecutor Olive Non at ang inyong lingkod, tuwing Sabado alas-7 hanggang alas-8 ng umaga sa DWIZ 882 am band.

I would like to thank Sammy Po, Eugene Go and most especially Cherry Jimeno of JS Unitrade Merchandise Inc. for their continued support in our radio program HUSTISYA PARA SA LAHAT. Maraming salamat dahil sa inyo ang mga kababayan nating mahihirap ay nabibigyan ng tulong.
* * *
E-mail address: [email protected]

ANAK

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CRUZADO

JOSEPHINE

JULY REX

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with