Lalot higit ang ating Manunubos na si Jesus. Sa pamamagitan ng mga responsableng tao na binigyan niya ng katungkulan, tayo ay patuloy niyang binibigyang-babala sa mga maaaring mangyari sa atin dahil sa pagsunod natin sa Kanya (Lukas 21:12-19).
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: "Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, darakpin kayot uusigin. Kayoy dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mabalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok. Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan."
Sa ating kapanahunan, maraming uri ng paglilitis, pagpapahirap at pagkakanulo. Ang punto ay: Dumarating ba ang mga ito sa atin dahil sa ating paninindigan sa katotohanan, katarungan at dahilan sa ating pagsunod sa kalooban ng Panginoon? Kung ganoon, pinalalakas ni Jesus ang ating kalooban para gamitin ang ganoong sitwasyon upang magpatotoo sa Kanya. At kung tayoy nagpapatotoo sa Kanya, sa kabila ng mga pasakit at pahirap na ating dinaranas, nakatitiyak tayo ng tagumpay at ng walang hanggang buhay.