^

PSN Opinyon

Mayor Tito Oreta ba’t di mo masawata ang utol mong si Len?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
BIGYAN-PANSIN natin mga suki ang sulat ng isang concerned citizen na masugid na tagahanga ni Mayor Tito Oreta. Namamayagpag daw ang sugal tulad ng video karera, sakla, EZ2 at peryahan sa Malabon na ang nasa likod nito ay itong kapatid ni Mayor Oreta na si Len Oreta na asawa ni dating Sen. Tessie-Aquino-Oreta. Naniniwala kasi ang sumulat na kung napasara ko ang video karera nina Randy Sy at Buboy Go sa kaharian ni Manila Lito Atienza, wala nang dahilan pa kung bakit sa Malabon ay hindi ko ito maipasara. He-he-he! Salamat sa tiwala mo sa akin suki! Kung gaano kabait, kasipag at kahusay si Mayor Oreta, kabaligtaran naman si Len, aniya.

Nagtataka ang taga-Malabon, eh kung galit sa corruption at mga illegal si Mayor Oreta, bakit hindi niya masawata ang kapatid niyang si Len? Ang aga ng intriga no mga suki? Pero dapat kumilos na si Mayor Oreta bago maging huli ang lahat.

Dito pala sa mismong Barangay Maysilo kung saan nakatira si Mayor Oreta ay laganap ang video karera. Ang dummy ni Len Oreta ay ang isang Oye Santos na tagapamahala ng lingguhang intelihensiya ng mga makina. Si Santos pala ay empleado ng Malabon municipal hall kaya’t habang nagsusuweldo siya sa kaban ng bayan, may kita pa siya sa video karera. Kung sabagay, marami nang kasamahan ko sa trabaho ang bumira kay Oye Santos subalit nakatayo pa rin siya dahil siguro sa protection ni Len Oreta, di ba mga suki?

Maliban kay Oye Santos, ang kapitan naman ng Baragay Santolan na si Jess Manalastas ang bagman ng hepe ng pulisya na si Sr. Supt. Moises Guevarra. At ang konsehal na si Boyong Mañalac at kapatid nitong retiradong pulis na si Alex Mañalac ay mayroon din daw nakalatag na mga makina. Ano ba ’yan? Mukhang kumpleto itong sindikato sa video karera sa Malabon, no mga suki? Paano mapahinto ng kapulisan natin eh nakatimbre na sa halos lahat itong video karera ni Len at Oye?

Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang sumulat sa akin dahil sa tingin niya matagumpay ang krusada ng aking kolum laban sa video karera sa Kamaynilaan. Nanalangin siya na sa pamamagitan ng pitak na ito, makakarating sa kinauukulan ang problema ni Mayor Oreta at magising at gayahin si Mayor Atienza na isang kumpas lang ay ipinasara ang video karera nina Randy Sy at Buboy Go nga. ‘‘Sayang ang paghihirap ni Mayor kung di niya kayang pagsabihan ang kanyang utol na si Len Oreta na sumisira sa kanyang pangalan,’’ ayon pa sa sumulat sa akin, na humihiling na ’wag kong tantanan ang video karera sa Malabon. He-he-he! Kung talagang gusto n’yong masara ang mga puwesto ni Oye Santos mga suki, wala kayong gagawin kundi ilista ang puwesto at mga alipores niya at ako na ang bahala diyan.

Kaya sa ngayon pa lang, tinatawagan ko ang action man na si NCRPO chief Dir. Vidal Querol para paghaharabasin ang mga video karera nina Oye Santos at Len Oreta. Kung ang mga peryahan ay nagtiklupan matapos ikumpas ni Querol ang kanyang kamay na bakal, wala akong makitang dahilan kung bakit hindi tamaan ng kidlat ang mga makina sa kaharian ni Mayor Oreta. Mag-aantay ako ng kasunod mong sulat suki.

vuukle comment

KARERA

KUNG

LEN ORETA

MALABON

MAYOR

MAYOR ORETA

ORETA

OYE SANTOS

VIDEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with