BSP, dapat kumilos sa pagkalat ng specimen at fake money
November 23, 2005 | 12:00am
HINDI marunong makisakay ang kolum na to sa mga pinagpipiyestahang isyu sa kasalukuyan. Itoy hinggil sa pagkakalusot sa pag-imprenta ng 100-peso bill na may maling spelling ng pangalan ng ating Presidente.
Mismong Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nagpahayag, kikilalanin nila ang naturang salapi maging ito man ay nagtataglay ng maling pangalan ng ating pangulo na ARROVO.
Hindi ito ang tunay na problema ng taumbayan. Dapat pag-ingatan ng publiko ang patuloy na pagkalat ng mga pekeng salapi. Itoy lalo na ngayong nalalapit na ang panahon ng kapaskuhan.
Muli kaming nagbibigay-babala sa publiko. Patuloy na nakatatanggap ng reklamo ang BITAG hinggil sa pagdami ng nabibiktima ng sindikato na gumagawa ng counterfeit money.
Subalit sa pagkakataong ito, hindi lamang mga pekeng perang papel ang dapat ingatan ng publiko, kundi kumakalat pa rin ang mga lehitimong perang papel na kung tawagin ay specimen money.
Ito yung pera na inimprenta ng BSP at hindi gawa ng sindikato. Tunay na papel ang ginamit at hindi peke, subalit walang halaga. Dahil ito ay isa lamang sample o maituturing na collection item lamang.
Ang problema, ayon na rin sa pag-amin sa BITAG ng mga kawani ng BSP, ilegal na nailabas ang mga sala-ping ito at naipakalat sa merkado. Dahil sa problemang ito, dapat kumilos ang nasabing tanggapan.
Nung nakaraang taon, nahulog din sa aming BITAG ang modus ng isang sindikatong gumagawa ng naturang huwad na salapi. Sa tulong ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) nahuli ang ilan sa mga miyembro ng sindikato.
Isang entrapment operation ang aming isinagawa gamit ang isang BITAG undercover. Matagumpay na naaresto ang mga miyembro ng sindikato.
Kasamang na-recover sa mga suspect ang mga pekeng salapi na ibinigay sa aming undercover. Ngunit ang malungkot, dahil daw sa kahinaan ng batas, napakawalan ang mga ito matapos magpiyansa.
Hindi dito nagtatapos ang aming grupo. Patuloy ang aming ginagawang pagtutugis laban sa mga sindikatong ito. May iniiwan kaming babala sa inyo, maaari kayong tumakbo, subalit di kayo maaaring magtago!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest