^

PSN Opinyon

Dismaya sa pulitika

SAPOL - Jarius Bondoc -
SA giyera ang unang biktima ay katotohanan. Gan’un din sa digmaang propaganda ng Administrasyon at Oposisyon. Nanunuya ngayon si Pres. Gloria Arroyo na, miski puro batikos ang kaaway, tumaas ang piso at bumaba ang gasolina. Hu, sagot ng Oposisyon, lumakas ang piso dahil sa OFW remittances, hindi kay GMA na hindi makapagpalago ng trabaho sa bansa. At nagmura ang krudo dahil lumuwag na ang supply sa mundo at wala namang kinalaman du’n si GMA. Pero teka, di ba’t kelan lang ay ibinibintang nila kay GMA ang paghina ng piso at pagmahal ng langis? E bakit ngayong bumaliktad ang sitwasyon, hindi nila maidulot kay GMA ang puri? Ibig lang natin sabihin, huwag sana magbulaan mula sa simula, para hindi mapulaan sa huli. Di ba?

Ehemplo lang ‘yan ng nakadidismayang asal-politiko. Marami pang iba. Nariyang napabalitang natutuwa ang international ratings agencies sa pagpataw ng mas malawak na E-VAT. Dagdag-kita raw ito na P80 bilyon kada taon sa gobyerno, kaya makakaluwag sa pambayad-utang. Pero ano ang tugon ng mga mambabatas? Aba’y ibalik na raw sa P70 milyon ang pork barrel ng bawat kongresista na naging P40 milyon nu’ng fiscal crisis, at P200 milyon kada senador mula P130 milyon. Kumbaga, kasisimula pa lang mangolekta ng dagdag-VAT nu’ng Nob. 1, pinaparte na ng Kongreso. Kunwari’y para sa mga naantalang proyekto nila, pero pambulsa lang.

At pinaka-kasuka-suka ang pagbalik ng logging concession sa Samar kay Sen. Juan Ponce Enrile. Legal daw ito, ani DENR Sec. Mike Defensor, pero kinaligtaan niyang sumangguni sa mga maaapektuhang komunidad, na takda ng batas. At nang umangal nga ang mga taga-Samar, naghugas-kamay si Defensor at sinabing mga local executives naman ang mag-i-isyu ng permit para magtroso si Enrile. Kinalimutan niya ang pinaka-mahalaga sa lahat: Ang Konstitusyon. Sa Article VI, Section 14, bawal ang sinumang senador o kongresista na tuwiran o patagong makipag-kontrata sa gobyerno para sa prankisa o espesyal na pribilehiyo (tulad ng logging concession). At bawal ding makilahok ang sinumang mambabatas sa usaping pinansiyal na maaari niyang pagkakitaan (tulad ng pagsulat ni Enrile kay Defensor para ibalik ang logging concession). Kaya ilegal sila pareho.

ADMINISTRASYON

ANG KONSTITUSYON

ENRILE

GLORIA ARROYO

JUAN PONCE ENRILE

MIKE DEFENSOR

OPOSISYON

PERO

SA ARTICLE

SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with