Ngayon pa lang niluluto na ng Kano ang kaso. Sa picket ng mga babae, isang embassy officer ang umismid, "Yan ang napala ng biktima dahil sumama sa anim na estrangherong Marino." Pinalalabas nila na mababa ang lipad ng babae; kesyo nakipag-dirty dancing at lasingan daw sa mga sundalo bago makipagtalik sa van. Sakay naman agad ang media, at nagpapahiwatig na kukuwartahin lang ng biktima ang kaso.
Ngayon pa lang maaasahan ding nauulit na ang mga naganap sa iba pang paghabla sa US servicemen sa ibang pook. Ang mga kamag-anak at kaibigan nila, sumusulat na sa mga US congressmen at senators para iuwi ang mga salarin. At yon din ang igigiit ng mga pulitiko sa Washington.
Lilitaw ang mga tanong: Di bat makatarungang bansa ang Amerika, kayat ipatutupad nito ang hustisya sa Subic gang rape? Di bat nanaisin ng US na maparusahan ang mga salarin, kaysa naman may gagala-galang rapists sa piling nila? Ang sagot sa mga tanong na ito, anang Pilipino-Americans mismo, ay dumaragundong na "hindi".
Sa digmaan sa Asia, Africa, Middle East at Latin America, maraming US servicemen na nag-murder, torture o rape. Pero umuuwi silang walang sala, bumabalik sa dating tirahan at trabaho na parang walang nangyari. May mga binabagabag ng konsiyensiya, kaya nagpi-flip. Saka lang sila pinarurusahan hindi dahil sa mga sala kundi dahil sa pag-flip.
Sa konting ehemplo lang pinarusahan ang US servicemen dahil sa pambubusabos. Itoy kung Amerikano rin ang nagsuplong, tulad ng My Lai massacre sa Vietnam nung 1968 at ng tortures sa Abu Graid prison sa Baghdad nung 2004. Ang Subic rape, ni hindi napabalita gaano sa US.