^

PSN Opinyon

Pangamba sa Subic rape

SAPOL - Jarius Bondoc -
HINDI kataka-takang magduda tayo na makakamit ang hustisya sa gang rape sa Subic ng US Marines. Alam nating malakas ang pro-US sentiment sa AFP. Ito’y miski takaw-tingin lang sila sa modernong armas ng Kano sa Visiting Forces Agreement. Alam din nating uunahin ng civilian officials ang RP-US ties kaysa kapakanan ng biktima. Ito’y dahil sa paniwala nilang Amerika ang pulis ng mundo. Ang masaklap sa lahat, mahigit 30 kasong rape na ang isinampa sa Olongapo fiscal’s office laban sa US servicemen mula nu’ng nandito pa ang US bases, pero lahat ito’y ibinasura.

Ngayon pa lang niluluto na ng Kano ang kaso. Sa picket ng mga babae, isang embassy officer ang umismid, "‘Yan ang napala ng biktima dahil sumama sa anim na estrangherong Marino." Pinalalabas nila na mababa ang lipad ng babae; kesyo nakipag-dirty dancing at lasingan daw sa mga sundalo bago makipagtalik sa van. Sakay naman agad ang media, at nagpapahiwatig na kukuwartahin lang ng biktima ang kaso.

Ngayon pa lang maaasahan ding nauulit na ang mga naganap sa iba pang paghabla sa US servicemen sa ibang pook. Ang mga kamag-anak at kaibigan nila, sumusulat na sa mga US congressmen at senators para iuwi ang mga salarin. At ‘yon din ang igigiit ng mga pulitiko sa Washington.

Lilitaw ang mga tanong: Di ba’t makatarungang bansa ang Amerika, kaya’t ipatutupad nito ang hustisya sa Subic gang rape? Di ba’t nanaisin ng US na maparusahan ang mga salarin, kaysa naman may gagala-galang rapists sa piling nila? Ang sagot sa mga tanong na ito, anang Pilipino-Americans mismo, ay dumaragundong na "hindi".

Sa digmaan sa Asia, Africa, Middle East at Latin America, maraming US servicemen na nag-murder, torture o rape. Pero umuuwi silang walang sala, bumabalik sa dating tirahan at trabaho na parang walang nangyari. May mga binabagabag ng konsiyensiya, kaya nagpi-flip. Saka lang sila pinarurusahan hindi dahil sa mga sala kundi dahil sa pag-flip.

Sa konting ehemplo lang pinarusahan ang US servicemen dahil sa pambubusabos. Ito’y kung Amerikano rin ang nagsuplong, tulad ng My Lai massacre sa Vietnam nu’ng 1968 at ng tortures sa Abu Graid prison sa Baghdad nu’ng 2004. Ang Subic rape, ni hindi napabalita gaano sa US.

ABU GRAID

ALAM

AMERIKA

ANG SUBIC

KANO

LATIN AMERICA

MIDDLE EAST

MY LAI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with