‘I-text n’yo, babasahin ko!’

NAGPAPASALAMAT kami sa mga nagpapaabot sa amin ng mga paghanga at papuri sa aming mga ginagawa sa BITAG. Ito ay sa pamamagitan ng mga ipinadadalang ‘‘text messages’’ sa aming BITAG Hotline at ‘‘e-mail’’.

Subalit higit naming binibigyan ng pansin ’yung mga nagpapadala ng ‘‘text’’ at ‘‘e-mail’’ na nagagalit sa aming mga ginagawa. ’Yun bang, pati ang kanilang INA ay minumura na, dahil sa matinding galit.

Kung anuman ang dahilan ng kanilang galit sa amin. Ito lang ang masasabi ko sa inyo, ‘‘thank you and we love you…!’’

Sa aming programa ng aking kapatid sa UNTV, ang ‘‘BAHALA sina BEN at ERWIN’’ na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, tuwing alas-9:00 hanggang alas-10:30 ng umaga. Madalas natatanggap namin ang mga mensaheng nakapagpapagana sa aking maghapon.

Ito’y tulad ng mensaheng, ‘‘Mr. Tulfo, ang yabang n’yo, puro kayo ngawa at wala naman sa gawa!’’; ‘‘Mr. Tulfo, mag-ingat ka at bilang na ang araw mo!’’ at ‘‘Isang bala lang ang katapat mo!’’

Ako’y natutuwa sapagkat nagagalit man sila sa akin, subalit alam kong kabilang sila sa aking mga ‘‘tagasubaybay at tagapanood.’’

At higit sa lahat, kapag ganitong mensahe ang aking natatanggap, nabubuhay ang aking mga ugat at dugo. Madaling salita, ako’y sumisigla sa aking trabaho.


Ang dahilan nito, nalalaman kong EPEKTIBO ang aking mga ginagawa. Dahil ang mga nagpapadala ng ganitong mensahe, kabilang sa aming tinutugis at mga

NASAGASAAN. Natatakot silang tuluyang sumingaw ang BANTOT na kanilang mga itinatago.

At kung hindi naman kaya, maaaring sila’y NASASAKTAN dahil merong UMAARAY sa kanilang mga kabalahibo at katribu.

Kaya sa ikaliligaya ng mga nagpapadala sa amin ng ganitong mensahe. Sige! Ipagpatuloy n’yo! ‘‘I-text n’yo lang at babasahin ko!’’

Show comments