EDITORYAL - Kalagayan ng workers i-monitor ng DOLE
November 21, 2005 | 12:00am
HANGGANG ngayon, marami pa ring employers ang hindi sumusunod sa batas sa pagbibigay ng tamang suweldo sa kanilang mga empleado. At ang matindi, ang ginagawa nilang paglabag sa karapatang pantao sa mga manggagawa. Sobra ang ipinalalasap nilang hirap sa mga manggagagawa at kung maaari lang ay huwag nang pasuwelduhin.
Ang dagdag na umento sa sahod ang inaasahan ng mga manggagawa makaraan ang sunud-sunod na pagtaas ng petroleum products. Kahit na nagbaba na ng tatlong beses ang mga oil companies wala pa ring epekto sapagkat hindi naman nag-rollback ang pamasahe, liquefied petroleum gas (LPG) at mga pangunahing bilihin.
Nang ihayag ni President Arroyo na payag siya sa ideyang dagdag na umento sa sahod, maraming manggagawa ang natuwa. Pero saglit lamang pala ang katuwaang iyon sapagkat isang araw makaraang ipahayag na pabor siya sa wage increase, binawi niya ang mga sinabi. Wala nang narinig mula sa kanya. Naglaho na ang balak. Ang pag-atras ay dahil umano sa banta ng mga negosyante na magbabawas ng mga manggagawa kapag pinilit silang magbigay ng umento.
Positibo ngang walang umento sapagkat ang Department of Labor and Employment (DOLE) mismo ang kumumpirma na walang makukuhang umento ang manggagawa sa mga employers bagkus ang ipinangako na lamang ay ang pagpapabuti sa working conditions ng mga ito. Ayon kay Labor Usec. Manuel Imson, maraming kinatawan ng mga employers group ang nangako na pagbubutihin ang kondisyon ng kalagayan ng mga manggagawa.
Ang Employers Confederation of the Philippines ay nangakong ihahanda na nila ang mga plano para sa ikabubuti ng kalagayan ng mga manggagawa at kabilang dito ang pagkakaloob ng mga benepisyo. Isang kasunduan ang kanilang inihanda at nilagdaan sa pagitan ng pamahalaan at mga labor unions.
Walang umento pero pagbubutihin ng employers ang kalagayan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga benepisyo at pagiging komportable sa kanilang workplace. Pero hindi rin naman dapat kalimutan ng mga employers na mas kailangan ng mga manggagawa ng karagdagan sa kanilang suweldo para makahabol sa nagtaasang bilihin. Hindi rin naman sapat kung may komportable ka nga at ligtas na lugar na pinagtatrabahuhan pero wala namang pera sa butas na bulsa. Mas mahalaga pa rin kung magbibigay ng umento sa mga manggagawang sinagasaan nang walang patid na oil price increase.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended