^

PSN Opinyon

Mikey Arroyo napikon sa reporter

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NABUWISIT si Presidential son at Congressman Mikey Arroyo kay Raul Esperas, reporter ng DWIZ at stringer ng ABS-CBN dahil kinunan ng huli ng video ang una habang naglalakad sa departure area ng NAIA Terminal 2.

Umalis kasi si Mikey papuntang Hong Kong kahapon ng umaga sakay ng PAL flight PR 300 around 8:26 am doon yata magkikita ang pamilya Arroyo kasi dadaan todits si Prez Gloria Macapagal-Arroyo pagkagaling APEC sa South Korea.

Mukhang mainit ang ulo ni Congressman Mikey habang naglalakad ito sa paliparan sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Sinabihan ni Mikey si Raul na huwag siyang kunan ng video pero sinagot ito ng huli na assignment lang niya ito. Ika nga, trabaho lang walang personalan.

Kaya naman napikon si Mikey kay Raul at mabilis na hinawakan nito ang kamay ng mediaman para ibaba ang moving camera.

Sabi nga ni Raul may isang miyembro ng PSG naman ang humatak ng damit niya pero hindi niya ito nakilala sa dami ng naghatid kay tongresman este mali Congressman pala.

Noong Miyerkules ay lumipad din ang erpat ni Mikey papuntang Hong Kong kasama ang kanyang dalawang apo at ang daughter in law nito na si Angela. Hahabol naman sa Hong Kong si Dato plus his family.

Mukhang magiging masaya ang family reunion nila sa Hong Kong.

‘‘Bakit ba mainit ang ulo ni Mikey sa reporter?’’ tanong ng kuwagong media badboy.

‘‘Badboy kasi ang mga reporters sa paningin ni Prez Gloria kaya siguro inis din ang anak’’ sagot ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Baka kasi secret ang paglipad ni Mikey kaya nanggagalaiti ito sa stringer ng ABS-CBN?’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Ano ngayon ang dapat gawin ng media para hindi kainisan ng malakanin este mali Malacañang pala?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Huwag na silang koberan kamote!’’

vuukle comment

CONGRESSMAN MIKEY

CONGRESSMAN MIKEY ARROYO

HONG KONG

MIKEY

MUKHANG

NOONG MIYERKULES

PREZ GLORIA

PREZ GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RAUL

RAUL ESPERAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with