^

PSN Opinyon

PNP hindi nakatikim ng taray ni GMA

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
MASUWERTE si PNP chief Director General Arturo Lomibao at mga kasamahan niyang opisyal sapagkat hindi sila binoldyak ni President Arroyo nang mapalpak ang umano’y pagkahuli nila kay Abu Sayyaf leader Radulan Sahiron.

Hindi sila tinarayan ni GMA. Hindi katulad sa mga nakaraan na hindi makapagpigil sa pagtataray ang Presidente. Katulad nang pagalitan si dating PNP chief Roberto Lastimoso na noon ay kauupo pa lamang na LTO chief. Pinagmumura ni GMA si Lastimoso at tinanggal pa sa posisyon.

Hindi ko alam kung ano ang nagpabago sa pag-uugali ni GMA at pinalampas ang kapalpakan ng PNP at maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Siguro’y dahil iba na ang sitwasyon ni GMA. Nasa balag siya ng alanganin ngayon dahil patuloy na inuulan ng panawagan na magbitiw dahil sa mga akusasyon na nandaya sa election, jueteng at corruption. May umuugong na balita tungkol sa kudeta para mapatalsik si GMA.

Kailangan ni GMA ang suporta at loyalty ng PNP at AFP para huwag matinag sa Malacañang. Kailangang mag-play ball siya sa mga ito kung hindi, ala-Marcos o ala-Estrada ang kalalabasan niya. Kaya todo pasa ang mga taga-PNP at AFP kahit maraming kapalpakan at mga atraso, sige lang.

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

GMA

KAILANGAN

KAILANGANG

PRESIDENT ARROYO

RADULAN SAHIRON

ROBERTO LASTIMOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with