Bakit nawindang ang NAPOCOR?

. Iyan ang impresyon ng marami sa Na- tional Power Corporation (NAPOCOR). Ang ahensiyang dapat sana’y titiyak sa mura at sapat na supply ng elektrisidad sa bansa.

Kahit baon na sa utang, patuloy pa ring umuutang ang mga opisyales nito na duda ko’y para punuan ang kanilang sariling lukbutan.

Panahon pa ni dating NAPOCOR president Guido Delgado nang magsimula ang pagbagsak ng NAPOCOR. Pumasok ang korporasyon sa sandamakmak na kontrata na nakapinsala sa financial stability nito. Mga kuwestyonableng kontrata na kung ilang beses nang inimbestigahan ng Senado. Sa panahon pa lang ni Delgado, umabot na sa 2,007 megawatt ng mga proyekto ng Independent Power Producers (IPP) ang ini-award sa pribadong sektor na halatang binigyan ng special favor.

Ang pagka-delay sa implementasyon ng mga power projects ay isa pang dahilan kung bakit nagkandakuba ang NAPOCOR sa malaking financial drain. Halimbawa, ang Leyte-Cebu transmission line project na dapat sana’y noon pang Marso 1997 nakumpleto ay umobliga sa NAPOCOR na magbayad sa PNOC-EDC ng P5.175 bilyon as of December 1997. Sa halagang ito, P2.9 bilyon ang kumakatawan sa cash payment para sa enerhiyang hindi naman pinakinabangan. Ang mga loan commitment at cancellation fees na ibinayad ng NAPOCOR sa mga na-delay na proyekto ay nagresulta sa P187.767 milyong pagkalugi.

There have been irregular, unnecessary and extravagant spending of government funds
sa korporasyong ito na dapat sana’y matagal nang naisapribado para mabawasan naman ang pasanin ng taumbayan. Hindi pinapansin ang patakaran sa pagtitipid ng gobyerno. Ang napaparusahan ay ang taumbayan.In what way? sa pamamagitan ng mataas na halaga ng kuryente. Hindi puwedeng talikdan ng gobyerno ang mga kontratang pinasok nito. Gamitin man o hindi ang kuryenteng mula sa mga kakontratang IPPs, dapat bayaran ito ayon sa isinasaad ng kontrata.

Okay sana ang maraming IPP projects kung masigla ang industriya at maraming magsusulputang pabrika na gagamit ng elektrisidad, pero hindi. Dahil sa mga tensyong pulitikal na nagaganap, ayaw pumasok ang mga investors. Ang pinapangarap na pagdagsa ng mga pabrika na gagamit ng inihandang elektrisidad ay hindi natupad.

Kung hindi titigil ang problema sa pulitika, hindi matatapos ang problemang ito. Ngayon, sino ba talaga ang dapat sisihin sa mga nangyayari sa atin?

Show comments