^

PSN Opinyon

EDITORIAL - VFA: Dagdag antak sa dati nang sugat

-
HINDI na bagong balita ang pagkaka-rape sa 22-anyos na Pinay ng anim na sundalong Amerikano sa Subic noong November 1. Noon pa, noong hindi pa isinasara ang Subic Naval Base sa Olongapo at ang Clark Air Base sa Pampanga, marami nang paglabag sa karapatang pantao at pag-alipusta sa mga Pinoy ang mga sundalong Kano. Hindi na bago ang pangre-rape sa mga Pinay sapagkat may naitalang 80 kaso ng panggagahasa noong hindi pa sarado ang dalawang American bases. At sa kabila nang maraming kaso ng panggagahasa, ni isa ay walang nakamit na hustisya ang mga kawawang Pinay. Kasabay sa pagkawala ng mga American bases nawala na rin ang pag-asang makakamit ng hustisya.

At panibagong dagdag na antak sa sugat ang pangre-rape ng anim na Sundalong Kano sa isang Pinay. Nasa custody ng US Embassy ang anim na sundalo at nakatakda ang preliminary hearing sa November 23. Si Atty. Katrina Legarda ang abogado ng ni-rape na Pinay. Ang anim na sundalo ay sina Daniel Smith, Corey Burris, Keith Silkwood, Chad Carpenter, Dominic Duplantis at Albert Lara, Ayon sa report, ang Pinay na ni-rape ay isang college graduate mula sa Zamboanga at kaya nasa Subic ay sinamahan ang kanyang stepsister na makikipagkita sa boyfriend nito. Nakitang nakikipagsayaw ang Pinay sa isa sa mga sundalo sa bar. Pagkalipas ng ilang oras ay lumabas ang sundalo kasama ang Pinay at sumakay sa isang rented van na ang nagmamaneho ay isang Pinoy. Makaraan pa ang ilang oras, nakitang ibinaba ang babae sa isang lugar at doon naman siya nakita ng mga nagpapatrulyang pulis. Naka-panty na lamang ang Pinay, tuliro at naghi-hysterical. Dinala ang babae sa ospital at ang kasunod ay ang rebelasyon ng mga sinapit niya sa anim na sundalong Kano. Humihingi ng hustisya ang Pinay. Nanawagan na ang kanyang ina kay President Arroyo na tulungan ang kanyang anak sa sinapit sa anim na manyakis.

Walumpong kaso ng panggagahasa ang nagawa ng mga Kano at wala pang naigawad na hustisya. Ganito rin kaya ang mangyari sa ginahasang Pinay? Huwag naman sana. Masyado nang nabababoy ang mga Pinay. Humihingi ng hustisya ang ginahasang Pinay at hindi dapat pabayaan. Panahon na rin para i-terminate ang Visiting Forces Agreement (VFA) na mula nang ipatupad ang war exercise ay marami nang nilabag ang mga sundalong Kano. Ilang Pinoy na ang kanilang binaril at ginulpi. Itigil na ang VFA na ‘yan!

ALBERT LARA

CHAD CARPENTER

CLARK AIR BASE

COREY BURRIS

DANIEL SMITH

DOMINIC DUPLANTIS

HUMIHINGI

KANO

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with