Niratrat sa unang bugso ng bala ang mga sinasabing carjackers at upang makasiguro ang mga lespiak pinabaunan pa muli ito tig-iisang bala. Ika nga, double dead!
Talagang ipagtatanggol ni ang kaliwa este mali Angcanan ang kanyang mga tauhan dahil pa-pogi points ito sa kanila noong unang salvo ng news. Kaya lang ang masama ng ilabas ng UNTV ang kanilang exclusive video at nakita todits ang mga kawalanghiyaan ginawa sa mga suspects turned victims.
Umaasa lang ang bossing ng PNP-TMG sa report ng kanyang 10 little indians este mali mga lespu pala. Kung totoo ang report sa katulisan este mali kapulisan pala bayan ang huhusga sa nakitang pelikula. Hindi kinakampihan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatlong sinasabing carjackers daw pero ang dapat ginawa nina DILG Secretary Angie Reyes, PNP bossing Art Lomibao at ang kaliwa este mali Angcanan pala ay hinayaan munang umusad ang imbestigasyon. Sabi nga, hindi drawing.
Sinuspinde ang 10 little indians este mali lespu pala matapos ang double dead scenario pero binawi ito kahit na topo-topo ang usapan at pinalabas pang bida ang mga lespiak na pumatay sa mga pinatay na suspects turned victims. He-he-he!
Nakakatakot na ang kalsada natin kung ganito ang mga law enforcers. Pati nga mga gamit na sasakyan ay alaws plate numbers. Paglabag toits sa kautusan ni Angie na hindi lang ng No. Plate, No Travel policy kundi maging sa Rules of Engagement!
Sino nga naman kamote ang titigil kung ang mga alagad ng butas este mali batas pala na siyang nagpapatupad ng batas sa kalye ay kinatatakutan ng mga civilian dahil sa hindi pagsusuot ng police uniforms habang naka-duty?
Ang isa pang nakakapanindig ng balahi-bo ay ang pangalawang video na inilabas ng UNTV na nagpakitang planted ang mga evidence.
Sino pa kaya ang safe na maglakbay sa kalsada kung mis-mong mga lespiak na utak kriminal ang gumagala sa kalye para pumatay? tanong ng kuwagong hoodlum sa Tondo.
Sinong civilian ang titigil sa kanyang pagmamaneho kung makikita mo sa gitna ng dilim ang mga armadong kalalakihan na parang mga hoodlum na nagpapapara ng mga vehicles tanong ng kuwagong nabaril sa cross fire.
Siyanga pala kamote bakit si General Danny Mangila sinibak sa pressure ng politiko samantalang si ang kaliwa este mali Angcanan pala ay naka-puwesto pa hanggang ngayon sa TMG? tanong ng kuwagong Kotong cop.
Ang usapan dito ay command responsibilities.
Hindi ba madalas ding makuryente ng mga katulisan este mali kapulisan pala si Prez Gloria Macapagal-Arroyo sa maling akala? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Dapat tanggalin na silang lahat diyan sa Crame.
Iyan ang sabihin mo kay Mr. Singer?
Sino nga pala si Mr. Singer?
Punta ka sa DILG at dito mo itanong si Mr. Singer, kamote!