Mga Hao Siao reporter na ginagamit ang BITAG, kayo na ang aming target!
November 14, 2005 | 12:00am
KUNG sino man itong nagpapakilalang broadcaster daw na may pangalang JOTA at nagpapanggap na miyembro din kuno ng BITAG. Huwag na kayong makipagsubukan sa amin!
Umabot na sa aming kaalaman ang kakaibang MODUS ng grupong ito ni JOTA kung saan ginagamit ang pina-XEROX na kopya ng kolum na ito ng Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO at ipinamumudmod sa kanilang mga kinokotongan.
Ayon sa aming pinaganang mga BITAG undercover, sinusubaybayan daw ng grupo ni JOTA ang kolum na ito. At kapag tungkol daw sa mga ilegal na pasugalan ang aming inuupakan. Dito nagpi-piyesta ang angkan nitong kawatan na si JOTA.
Dala ang naturang xerox copy ng kolulm na to, iniikot ng grupo ni JOTA ang lahat ng mga illegal na pasugalan sa kamaynilaan. Hindi rin daw pinatatawad ng grupong ito maging mga liblib na lalawigan.
Nung nakaraang Lunes at Miyerkules, a-Siete at a-Nuebe ng Nobyembre 2005, isinulat ko sa kolum na ito ang MODUS ng isa pang grupo na nagpapakilalang BITAG kuno. Isang SPO2 NORIE LORIEGA o ARIS NORIEGA naman ang sangkot dito.
Raket ng grupo ni Noriega o Loriega ang magpakilalang kolektor daw ng BITAG. Kinukolektahan ng mga ito ang kanilang mga kabalahibong operator at maintainer ng mga illegal na pasugalan. Buwanan ang tinatanggap na intelihensiya ng mga hinayupak.
At dahil sa aming naisulat nung nakaraang Lunes at Miyerkules, naging malikhain ang utak-kalabaw na si JOTA. Ipinamudmod sa mga may-ari ng mga illegal na peryahan at pasugalan.
Pinangalandakan daw ng hunghang, siya raw ang nasa likod ng nabanggit na kolum. Ginawang panakot upang tuloy ang kanyang MODUS sa pangongotong.
Mensahe ng kolum na ito at ng BITAG, partikular sa mga ka-tribu ni JOTA, hwag na ninyong tangkaing makipagsubukan sa aming grupo. Dahil sa susunod, hindi na kami mag-aatubiling BALATAN kayo ng inyong mababantot na pagkatao!
Kapag nalaman ng aming pinakalat na undercover, muli ninyong kinakaladkad ang BITAG. Itaga ninyo sa bato, kami ang magsisilbing berdugo at tutuldok sa inyong mga katarantaduhan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended