^

PSN Opinyon

Pangalawang buhay

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Nang kami’y maglakbay sa malayong China

May nangyari roong wari’y kakaiba

At ito’y naganap kami’y pauwi na

Sakay ng eroplanong nag-stopover pa!

Mula Xiamen Airport kami’y naglalakbay

Patungong Maynila maraming kasakay;

Nasa airborne kami’y biglang naramdaman

Na ang eroplano’y gumagalaw-galaw!

Kumakalug-kalog, mahina’t malakas

Kaya ang puso ko’y waring nagpipiglas;

Lalo pang nangamba:Captain ay nangusap

Ibabalik kami sa minulang s’yudad!

Nang mag-landing kami’y agad na dumating

Ang mga ekpertong gagawa ng repair;

Dalwang oras kaming doon ay nabinbin

Bago nakalipad ang delayed na airplane!

Dahil sa nasira ako’y kabang-kaba

Na masira uli ay lumilipad na;

Ang dasal ng puso ngayo’y kakaiba

Dahil siyam kami na magkakasama!

Diyos ko, Diyos ko huwag mo pong itulot

Na kami’y bumagsak sa dagat o bundok;

Ang ibang kasama kunwa’y natutulog

Pero nagdarasal pagka’t natatakot!

Dinarasal nami’y alam kong iisa:

Sana’y makasapit kami sa Maynila;

Sana’y makauwi sa aming pamilya

Na buhay at ligtas sa mga sakuna!

Mga kasama ko’y ang aking maybahay

At dalawang anak kong bunso at panganay;

Tatlo ang apo kong isa’y bagong silang

At tatlo pang iba na kamag-anakan!

Panganay kong anak na dumidiskarte

Kasamang naligtas sa naturang b’yahe

Salamat sa Diyos kami’y nakauwi

Sa pangalwang buhay magpapakabuti!

DAHIL

DALWANG

DINARASAL

DIYOS

IBABALIK

KAMI

MULA XIAMEN AIRPORT

NANG

PATUNGONG MAYNILA

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with