"Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad dito: May isang taong maglalakbay, kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. Binigyan niya ng salapi ang bawat isa ayon sa kanya-kanyang kakayahan; binigyan niya ang isa ng P5,000, ang isa namay P2,000, at ang isa pay P1,000. Pagkatapos, siyay umalis.
"Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga aliping iyon at pinapagsulit sila. Lumapit ang tumanggap ng P5,000 at nagsulit pa ng P5,000 na tinubo nito. Lumapit din ang tumanggap ng P2,000, at ibinigay naman ang P2,000 pang tinubo niya. At lumapit naman ang tumanggap ng P1,000. "Alam ko pong kayoy mahigpit," aniya. "Gumagapas kayo sa hindi ninyo tinamnan, at nag-aani sa hindi ninyo hinasikan. Natakot po ako, kayat ibinaon ko sa lupa ang inyong salapi. Heto na po ang P1,000 ninyo." "Masama at tamad na alipin!" tugon ng kanyang panginoon. "Alam mo palang gumagapas ako sa hindi ko tinamnan at nag-aani sa hindi ko hinasikan! Bakit hindi mo iyan inilagak sa banko, di sanay may nakuha akong tubo ngayon? Kunin ninyo sa kanya ang P1,000 at ibigay sa may P10,000. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kuku-nin pa. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang aliping walang kabuluhan. Dooy tatangis at magngangalit ang kanyang ngipin."
Kung tayo ang papapagsulitin sa mga ibinigay na talino, talento o mga "ipinahiram" sa atin na mga katangian ng Panginoon, makapagsusulit ba tayo nang maigi? Paano at saan natin ginamit ang mga "pahiram" sa atin ng Diyos? Napayaman ba natin o nagkaroon ba ito ng "tubo" ayon sa inaasahan sa atin ng Panginoon?