^

PSN Opinyon

Pagsusulit

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NGAYON ang ika-33 Linggo sa Ordinaryong Panahon ng ating liturhiya. Sa susunod na Linggo ay kapistahan na ni Kristong Hari – ang huling Linggo ng ating pangliturhiyang kalendaryo. At sa huling linggo ng Nobyembre mag-uumpisa ang panibagong pangliturhiyang kalendaryo. Ang mga pagbasa sa Linggong ito ay tungkol sa kahandaan na magsulit sa Panginoon pagdating ng araw na iyon. Ang Ebanghelyo ay tungkol sa mga talento o mga "pahiram" sa atin ng Panginoon. (Mateo 25:14-15, 19-30).

"Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad dito: May isang taong maglalakbay, kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. Binigyan niya ng salapi ang bawat isa ayon sa kanya-kanyang kakayahan; binigyan niya ang isa ng P5,000, ang isa nama’y P2,000, at ang isa pa’y P1,000. Pagkatapos, siya’y umalis.

"Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga aliping iyon at pinapagsulit sila. Lumapit ang tumanggap ng P5,000 at nagsulit pa ng P5,000 na tinubo nito. Lumapit din ang tumanggap ng P2,000, at ibinigay naman ang P2,000 pang tinubo niya. At lumapit naman ang tumanggap ng P1,000. "Alam ko pong kayo’y mahigpit," aniya. "Gumagapas kayo sa hindi ninyo tinamnan, at nag-aani sa hindi ninyo hinasikan. Natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa ang inyong salapi. Heto na po ang P1,000 ninyo." "Masama at tamad na alipin!" tugon ng kanyang panginoon. "Alam mo palang gumagapas ako sa hindi ko tinamnan at nag-aani sa hindi ko hinasikan! Bakit hindi mo iyan inilagak sa banko, di sana’y may nakuha akong tubo ngayon? Kunin ninyo sa kanya ang P1,000 at ibigay sa may P10,000. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kuku-nin pa. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang aliping walang kabuluhan. Doo’y tatangis at magngangalit ang kanyang ngipin."


Kung tayo ang papapagsulitin sa mga ibinigay na talino, talento o mga "ipinahiram" sa atin na mga katangian ng Panginoon, makapagsusulit ba tayo nang maigi? Paano at saan natin ginamit ang mga "pahiram" sa atin ng Diyos? Napayaman ba natin o nagkaroon ba ito ng "tubo" ayon sa inaasahan sa atin ng Panginoon?

ALAM

ANG EBANGHELYO

DIYOS

KRISTONG HARI

LINGGO

LUMAPIT

ORDINARYONG PANAHON

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with