^

PSN Opinyon

Patibong ng Nieto group

- Al G. Pedroche -
SA unang tingin, nakakabilib ang estratehiya ng grupo ni Manuel Nieto Jr. na hangga ngayo’y may tug-of-war sa grupo ni Victor Africa na siyang lehitimong tagapamahala ng Philippine Overseas Telecommunications Company (POTC) at Philippine Satellite Telecommunications Company (PHILCOMSAT). May desisyon na ang Korte na kumikilala sa pamunuan ni Victor Africa na siyang Presidente ng POTC at Philcomsat. Pero may mga legal maneuvers ang Nieto group.

Si Manuel Andal na nagpapakilalang tesorero ng Philcomsat ay nagdemanda ng qualified theft laban kay Africa. Kung susuriin, isang ploy o patibong ito. Kapag nag-prosper ang kaso, para na ring binigyan ng pagkilala ang Nieto group bilang tagapamahala ng pinagtatalunang stocks ng kompanya.

Pero matalino ang Makati prosecutor’s office at agad dinismis ang reklamo ni Andal. Kinilala ng Makati prosecutor ang desisyon ng Korte na nagbabasura sa claim ni Andal pati na ang kanilang (Nieto group) paghahabol sa mga stock certificates na hawak ng Philcomsat which is a wholly owned subsidiary of POTC.

Ang reklamo ay iniharap ni Andal matapos tanggihan ni Africa na mai-turnover sa Nieto group ang 81 porsyento ng Philcomsat Holdings Corp. (PHC) na pag-aari ng Philcomsat. In demanding the turnover of the said stocks, Andal claimed he was the treasurer of Philcomsat. Sa totoo lang, ang tesorera ng kompanya ay si Katrina Ponce-Enrile na miyembro rin ng board of directors. Alinsunod na rin sa by-laws ng kompanya, si Ponce-Enrile ang tagapag-ingat ng mga hinihinging stock certificates.

Si Andal (bukod sa pagiging kinatawan ng gobyerno sa kompanya) ay "alipores" ng grupo ni Nieto na siyang nangangasiwa sa PHC on a de factor basis. Ibig sabihin, ang board ang management nito ay kinukuwestyon pa sa Korte. Ipinipilit ni Andal na siya at ang ibang miyembro ng Nieto group ay inihalal sa Philcomsat sa stockholders meeting nung August 9, 2004 meeting at ito diumano’y pinagtibay pa ng Securities and Exchange Commission (SEC). Pero matapos umapela ang grupo ni Africa, nagpalabas ng TRO and Court of Appeals na naging preliminary injunction nung Oktubre 24, 2004 at pumigil sa implementasyon ng direktiba ng SEC.

In this regard,
nananatili sa pamunuan ng dalawang kompanya si Africa bilang Pangulo at Erlinda Bildner bilang chairman. Matapos na sana sa lalung madaling panahon ang gusot na ito dahil pera ng taumbayan ang nakataya considering na malaki ang sosyo ng pamahalaan sa mga kompanyang ito.

vuukle comment

ANDAL

COURT OF APPEALS

ERLINDA BILDNER

KATRINA PONCE-ENRILE

KORTE

MAKATI

NIETO

PERO

PHILCOMSAT

VICTOR AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with