^

PSN Opinyon

Huwag bulabugin ang mga ibon sa wetland

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG Naujan Lake sa Oriental Mindoro ay isa sa 55 "wetlands" sa Pilipinas. Ang wetland ay isang matubig na lugar na pinamumugaran o tinitirhan ng mga hayop at halaman na sadyang angkop sa katubigan. Madalas ang mga wetland ay dinadayo ng mga ibon mula sa ibang bansa, tulad ng Candaba Swamp sa Pampanga at Olango Island sa Cebu.

Sa normal na panahon, magandang tanawin ang pagdagsa ng mga ibon sa ating mga wetlands mula sa ibayong dagat. Ito ay isang atraksiyong pangturismo na nagbibigay hanapbuhay para sa mga lokal na komunidad.

Ngunit sa ngayon, nagbabanta ng panganib na nakamamatay sa tao ang pagsulpot dito ng migratory birds o mga mandarayuhang ibon. Bakit? Dahil ilan sa mga mandarayuhang ibon na ito ay posibleng nagtataglay ng avian influenza o bird flu. Ang sakit na ito ay naililipat sa mga tao at mabilis na kumakalat. Kaya’t pinatindi ang paghihigpit upang maiwasan ang pagpasok ng sakit na ito, kasabay ng pag-uunahan ng maraming mga bansa sa pag-iimbak ng gamot laban dito.

Sa 55 wetlands sa bansa, gaya ng Lake Naujan, tinitingnan ng DENR ang mas angkop na paraan upang mapanatiling bird flu free ang Pilipinas. Isang mahalagang bagay na dapat tandaan: huwag bulabugin ang mga ibon sa wetland. Kapag nabulabog sila, mas mahirap silang bantayan ng mga eksperto. Kapag nabulabog sila, kakalat sila, at mas lalawak ang panganib.

Kaya’t pakiusap po ng DENR sa mga mahihilig magpaputok, lalo na’t nalalapit na naman ang Kapaskuhan: lumayo lamang po sa mga wetland. Ang nakatuwaang pagpapaputok ay maaring maging mitsa ng maraming kamatayan dulot ng bird flu. Iwas paputok, iwas panganib.

BAKIT

CANDABA SWAMP

KAPAG

KAYA

LAKE NAUJAN

NAUJAN LAKE

OLANGO ISLAND

ORIENTAL MINDORO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with