^

PSN Opinyon

Marikina: Hindi na shoe capital kundi peryahan capital ng Metro Manila

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
PARANG langgam na dinudumog ng tao noong Lunes ng gabi ang anim na lamesang color at number games sa peryahan ng mag-amang sina Arthur at Arlene na matatagpuan sa tabi ng presinto ng pulisya sa Barangay Parang, Marikina City. Ang ibig kung sabihin mga suki, bukas na bukas ang peryahan ng mag-amang Arthur at Arlene, na nakabase sa Quiapo, Manila, at tiyak limpak-limpak na salapi ang iniakyat nito hindi lang sa barangay officials kundi maging sa kapulisan. Bakit ayaw kumilos ni Sr. Supt. Manny Gaerlan, hepe ng Marikina City police na ipasara ang color at number games eh saklaw ito ng batas sa illegal gambling? Siyempre, tulad ni Sr. Supt. Melvin Buenafe, ang intelligence chief ng EPD, namamantikaan din ang nguso ni Gaerlan, di ba mga suki? Kaya habang maligaya sina Arthur at Arlene, ganun na rin kasaya sina Gaerlan at Buenafe. Isama ko na diyan si Maj. Briones, ang PCP commander na may sakop sa peryahan. Si Marikina City Mayor Marides Fernando? Aba, tiyak malungkot siya kasi imbes na maging popular ang Marikina sa tawag na shoe capital of the country, eh naging peryahan capital na ito ng Metro Manila. He-he-he! Hindi lang sina Arthur at Rosa ang nakangiti sa ngayon sa Marikina City kundi maging si Rosa.

Kung itong peryahan nina Arthur at Arlene ay aabot pa sa piyesta ng Bgy. Parang sa Feb. 7, malaking halaga ang mawawala sa mga residente roon. Tiyak, tataas na naman ang bilang ng kriminalidad tulad ng holdapan at drug pushing dahil saan ba kukuha ang mga residente ng pantaya eh karamihan naman sa kanila ay walang trabaho. Kung ang barya nila ay ibakasakali pa nila sa peryahan nina Arthur at Arlene, tiyak maiiwang gutom ang kanilang mga pamilya. Kung sabagay, hindi papansinin ni Gaerlan ang tumataas na kaso ng kriminalidad sa siyudad ni Fernando dahil hindi naman siya taga-roon. Bola-bola kamatis lang ang gagawin niya kay Mayor Fernando, at presto may laman na ang kanyang bulsa, di ba mga suki? Ang puwesto naman ni Rosa sa Bgy. Sto. Niño ay umaandar na rin subalit mukhang hinihintay pa nito ang pagbukas ng tiangge doon sa Nov. 16 bago buksan ang mga sugal lamesa.

Hindi lang sa Marikina namumugad ang mga peryahan sa ngayon kundi maging sa Makati City at ilang lugar pa na sakop ng Southern Police District (SPD). Ang kapitalista ng peryahan sa siyudad ni Mayor Jojo Binay ay sina Saya at magkapatid na Popo, Rolly at Noel. Si Saya ay may puwesto sa Pembo, si Popo sa Washington, si Rolly sa Kalayaan at si Noel naman sa Pateros. Para sa kaalaman ni Supt. Efren Ysulat, ang OIC ng Makati police, may color at number games rin ang mga puwesto ng apat na financiers ng perya sa area niya. Ipasara mo ang mga pasugalan. Col. Ysulat Sir para bumango ka kay Mayor Binay at maging permanente ka na.

Sa Zapote naman sa Las Piñas ay may nakatayo ng carnival subalit sa Dec. 15 pa magbubukas ang mga color at number games nila. Sa Nichols naman sa Pasay City ay bubuksan na rin ni alyas Max sa susunod na mga araw.

Pero nais kung linawin mga suki na hindi lang dapat kapulisan ang sisihin dito sa nag-usbungang peryahan sa Metro Manila sa Kapaskuhan. Kasi nga ang mga barangay officials muna ang kinakausap ng mga booker ng peryahan bago mga pulis natin. Kaya dahil nanatiling sarado ang jueteng, itong peryahan ang pamalit na pagkakitaan ng kapulisan natin. Abangan!

ARLENE

BARANGAY PARANG

BGY

EFREN YSULAT

GAERLAN

MARIKINA CITY

METRO MANILA

PERYAHAN

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with