Paninigarilyo sa Davao City
November 7, 2005 | 12:00am
DAVAO City Sinong may sabi na ayaw tumira ng smokers dito? Labis ang atraksiyon ng Davao masiglang ekonomiya, murang pamumuhay, katahimikan para itakwil ito ng pinaka-masusugid ng manghihithit ng tobacco. Tinitiis nila ang hirap ng pagsindi ng istik, para lang ma-enjoy ang mga tanawin, kakanin at kultura ng pinaka-magandang siyudad sa Pilipinas at ika-16 sa Asya.
Kung mahigpit sa paninigarilyo sa Makati o Mandaluyong, mas lalo sa Davao. Sa naunang dalawang siyudad sa Kamaynilaan, bawal magsindi sa loob ng pampublikong pook, maliban lang kung nasa open-air area. Sa Davao, miski nasa labas ng gusali o restoran o simbahan, bawal pa rin, maliban lang kung merong designated smoking area ng aprubado ng city hall. Miski sa loob ng sariling kotse o sa kalsada, bawal basta may ibang taong makakasinghot ng second-hand smoke.
Pabor ito sa mga batat matatanda. Pabor din ito sa smokers dahil, sa hirap ng paghanap ng lugar ng paghihititan, nababawasan ang pagyoyosi. Ayaw nilang mahuli ng pulis; malaki ang multa sa maninigarilyo at sa may-ari ng establishment na pumayag dito. Nadidisiplina tuloy sila.
Humihigpit na ang mga gobyerno laban sa paninigarilyo. Sa Ireland at Norway, bawal magsindi sa loob ng anomang gusali miski sa bars at nightclubs. Isang taon mula ipinatupad ito nung Hunyo 2004, ipina-test ang mga empleyado sa mga ganung lugar. Bumagsak ang nicotine levels nang 90% sa ihi nila, nagsisigarilyo man o hindi. Ang alikabok sa mga establishments, bumaba rin sa 75 milligrams mula 250 milligrams per cubic meter. Sa madaling salita, sumigla sila at luminis ang workplace.
Sa U.S., sampu sa 50 states ang nagbawal na rin ng paghitit sa loob ng gusali. Ganun din ang maraming siyudad tulad ng Los Angeles at New York. Sa Chicago headquarters nga ng Leo Burnett advertising agency, na gumawa ng Marlboro Man, bawal rin magsindi maliban sa isang kuwarto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended