^

PSN Opinyon

Kotongerong gumagamit sa aming grupo, humanda kayo sa BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PINAG-IINGAT ko ang publiko laban sa isang grupo na nagpapakilalang miyembro daw ng BITAG. Ginagamit din ng mga ito ang akiing pangalan sa kanilang pangongotong.

Sa impormasyong nakaabot sa akin, buwanan daw kung tumanggap ng ‘‘intelihensiya’’ ang mga hinayupak. ito’y mula sa iba’t ibang ilegal na aktibidad ng kani-lang mga kabalahibo.

Ang kanilang ‘‘area of operations’’ ay lungsod ng Pasay, Maynila at Bulacan kung saan naglipana daw ang pasugalan ng Sakla, Perya, Video Karera at maging Bookies.

Malas lang ng mga hayupak dahil nakaabot na sa kaalaman ng BITAG ang galaw ng grupong ito sa kanilang ‘‘extortion activities." Batid na rin namin ang mga lugar na kanilang madalas na tambayan.

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy. Tutumbukin ko na ang aking tinutukoy! Ang dalawa sa grupong ito ay sina SPO3 NORIE LORIEGA at alyas TONY CHING na umano’y tauhan ng isang Police Colonel na nakabase sa Camp Crame.

Pansamantalang titirhan ko muna ng mukha ang opisyal na ito. Habang iniimbestigahan pa namin ng malaliman ang kanilang tunay na motibo sa likod ng kanilang paggamit sa aking ‘‘îniingatang’’ pangalan.

Subalit sa dalawang kolokoy na sina Noriega at Ching, ngayong kumpleto na ang aming impormasyon sa inyong mga aktibidad, pinasisikip lang ninyo ang mundong inyong ginagalawan, ’di kayo sasantuhin ng BITAG!

Kaya sa inyong dalawa, NORIEGA at CHING, makinig kayo! Sinumang pader ang inyong sinasandalan, kaya ko itong gibain at durugin sa inyong mga mukha!

Itanim n’yo sa inyong maliliit na kukote dahil wala sa aking bokabularyo ang salitang ‘‘ATRAS at TAKOT, lalung-lalo na sa mga tulad n’yong mga KAWATAN! ‘Di pa tapos sa inyo ang BITAG.

BATID

BULACAN

CAMP CRAME

GINAGAMIT

HABANG

INYONG

ITANIM

POLICE COLONEL

VIDEO KARERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with