Grand conspiracy
November 6, 2005 | 12:00am
KAWAWA naman ang Pilipinas. Doon sa Amerika, sinampahan kaagad ng kaso sa Grand Jury ang isang staff member sa White House, dahil sa nagsinungaling siya tungkol sa identity ng isang CIA agent na naging dahilan kung bakit nailagay sa panganib ang buhay ng agent na iyon. Samantala, dito sa Pilipinas, maraming mga government officials ang nahuhuling nagsisinungaling, kasama na diyan si Mrs. Gloria Macapagal Arroyo, kaya lang ni isa sa kanila ay hindi nasasampahan ng kaso o naiimbestigahan man lamang.
Dahil nabisto na ang fertilizer scam na inilusot ng tropa ni Mrs. Arroyo noong nakaraang eleksyon, nalaman na natin na mayroon talagang grand conspiracy ang kanyang tropa na manatili sa puwesto by hook or by crook, kahit sa anumang paraan, kahit magnakaw, mandaya or mag-sinungaling pa sila.
Kung may gusot ay may lusot, at yan yata ang nasa isip ng mga nag-operate ng fertilizer scam, nang naisip nilang gawing palusot ang agriculture projects kuno upang mabigyan ng pera ang mga kakampi nilang pulitiko. Lusot na nga sana sila, ngunit nagkataon namang sumama sa "Hyatt 10" si former DBM Secretary Emilia Boncodin, kaya ayan nabuking na sila.
Sa usapang pilosopo, madaling ilusot ang binigay na dahilan ng mga fertilizer scammers na hindi naman daw political ang dahilan kung bakit namigay ng pera, at nag-kataon lang daw na halos magkasabay ito sa eleksyon. Maniniwala ba kayo diyan? Tell that to the marines, yan ang sagot ko dyan.
Bakit ko naman sinabing may grand conspiracy? Simple lang ang sagot ko diyan, dahil hindi naman maaaring ilabas ang ganoon kalaking pera kung hindi alam ni Mrs. Arroyo, at kung walang ibang sumama or tumulong sa ganoon kalaking plano. At hindi ba maaring sabihin na ang mga kongresistang tumanggap ng pera na wala namang agriculture projects ay kasama sa grand conspiracy? Talaga naman, nandaya na sila, nag-sinungaling pa dahil sa pagtatakip!
Tune in to "HELLO SA IYO PILIPINO" on DZAR AM radio 1026 KHZ Mon to Fri 7 to 8 PM. Join the OFW Family Club. Visit www.ofwfamilyclub.com Text AMBA at 09224143582, call 5267522 or 5267515 or email him at [email protected]
Dahil nabisto na ang fertilizer scam na inilusot ng tropa ni Mrs. Arroyo noong nakaraang eleksyon, nalaman na natin na mayroon talagang grand conspiracy ang kanyang tropa na manatili sa puwesto by hook or by crook, kahit sa anumang paraan, kahit magnakaw, mandaya or mag-sinungaling pa sila.
Kung may gusot ay may lusot, at yan yata ang nasa isip ng mga nag-operate ng fertilizer scam, nang naisip nilang gawing palusot ang agriculture projects kuno upang mabigyan ng pera ang mga kakampi nilang pulitiko. Lusot na nga sana sila, ngunit nagkataon namang sumama sa "Hyatt 10" si former DBM Secretary Emilia Boncodin, kaya ayan nabuking na sila.
Sa usapang pilosopo, madaling ilusot ang binigay na dahilan ng mga fertilizer scammers na hindi naman daw political ang dahilan kung bakit namigay ng pera, at nag-kataon lang daw na halos magkasabay ito sa eleksyon. Maniniwala ba kayo diyan? Tell that to the marines, yan ang sagot ko dyan.
Bakit ko naman sinabing may grand conspiracy? Simple lang ang sagot ko diyan, dahil hindi naman maaaring ilabas ang ganoon kalaking pera kung hindi alam ni Mrs. Arroyo, at kung walang ibang sumama or tumulong sa ganoon kalaking plano. At hindi ba maaring sabihin na ang mga kongresistang tumanggap ng pera na wala namang agriculture projects ay kasama sa grand conspiracy? Talaga naman, nandaya na sila, nag-sinungaling pa dahil sa pagtatakip!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended