^

PSN Opinyon

Karunungan

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA Bibliya ng mga Kristiyano, tanging si Haring Solomon lamang ang humiling na handog na karunungan mula sa Diyos. At dahil sa kanyang kahilingang karunungan — at hindi anumang materyal na bagay o karangyaan — siya ay pinagkalooban ng Diyos ng karunungan na nagpabantog sa kanya.

Ang karunungan ay ang kakayahan at kata- ngian ng wastong pagpapasya batay sa kaalaman, karanasan at pagkaunawa. At ito ang paksa ng Unang Pagbasa sa ating liturhiya ngayong Linggo (Kar. 6:12-16).

"Ang Karunungan ay maningning at di kumu-kupas, madaling matagpuan ng naghahanap sa kanya, at nakikita agad ng mga nagpapahalaga sa kanya. Madali siyang nagpapakilala sa mga naghahangad sa kanya. Hanapin mo siyang maaga at agad mo siyang matatagpuan, makikita mo siyang nag-aabang sa iyong tarangkahan.

"Isipin mo lamang siya’y magkakaroon ka na nang ganap na pagkaunawa; hanapin mo siya’t matatahimik ang iyong kalooban. Pagkat hinahanap niya ang mga karapat-dapat sa kanya, at makikita ka niya saan ka man naroon. Siya’y maamo at sasamahan ka niya sa bawat iniisip mo."


Sa nangyayaring kaguluhan sa pulitika sa kasalu-kuyan at ganoon na rin sa sitwasyon ng pambansang ekonomiya, ang ating bansa ay uhaw sa mga pinuno at mga tagapaglingkod na may karunungang nagmumula dahil sa pagdakila at takot sa Diyos.

ANG KARUNUNGAN

BIBLIYA

DIYOS

HANAPIN

HARING SOLOMON

ISIPIN

KAR

KRISTIYANO

LINGGO

UNANG PAGBASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with