^

PSN Opinyon

‘Mag-asawa tumilapon...’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ISANG KASO NA NAMAN ng reckless imprudence resulting to homicide ang tampok sa araw na ito. Nagsadya sa aming tanggapan si Alvin Alanis, 33 taong gulang ng 671 J. Pascual St. Brgy. San Pedro, Morong Rizal upang humingi ng tulong hinggil sa kasong isinampa nila.

Ika-9 ng Oktubre 2005, bandang 4:30 ng hapon ay patungo ang mag-asawang sina Julio, 54 at Arsenia, 53 gamit ang motorsiklo upang bisitahin ang kanilang ama na si Jose Moran Sr. na kasalukuyang nakakaranas ng mild stroke sa kanilang tirahan sa Mabitac, Laguna.

"Papunta sila sa aking lolo noong araw na maganap ang insidente. Nasa kahabaan ng National Road ng Sitio Malihim Brgy. Halayhayin, Pilillia Rizal ay mayroong biglang nag-overtake sa kanilang dinadaanan na kalsada na isang Toyota Hi-lux pick-up na may plakang TLX-614," sabi ni Alvin.

Ang nasabing Toyota Hi-Lux ay minamaneho ni Marlo Pagtananan ng 18 Silva St., Vista Verde, Cainta Rizal. Sina Rodelio Pagtananan, Aleth Pagtananan, Renato C. Rosal, Ruben Alano, Romancito Bangalan at Romeo Cabarrubias. Isang saksi sa pangyayari, si Fatima Garcia, 35 taong gulang, sakay sa isang pribadong jeep ang nagpapatunay na mabilis ang pagpapatakbo ng nasabing sasakyan.

"Nauuna daw ang jeep na sinasakyan ni Fatima na may katamtamang bilis na takbo kaya nang nakita nito na mabilis ang pagpapatakbo ng Hi-Lux na galing sa Pagsanjan, Laguna dahil nag-overtake din ito sa kanila. Pagdating nila sa pinangyarihan ng insidente, nakita nilang nakahandusay ang mga magulang ko," sabi ni Alvin.

Samantala nakita nitong si Fatima ang cellphone ng biktima kaya mabilis nitong kinuha upang ipagbigay-alam ang nangyari insidente sa dalawang matanda. Ang unang numerong nakalagay sa cellphone ang siyang kinontak nito. Sa kabutihang palad, agad namang natawagan si Alma, ang isa sa mga anak ng mag-asawa.

"Ginising ako nang kapatid kong si Juli Ann dahil pinatatawag daw kami ng isa pa naming kapatid, si Alma kaya naman agad namin itong pinuntahan," sabi ni Alvin.

Sa kuwento ni Alvin, tila nakikiramdam ang driver ng nakabundol sa mga magulang niya. Hindi agad ito rumesponde at bumaba upang alamin ang nangyari. Sa katunayan nito, nagtangka umano ang driver na takasan ang kanyang nagawa subalit nagawang harangan ito ng mga tricycle driver.

"Hindi daw agad tinulungan ng nakabundol ang mga magulang ko. Mabuti na lamang may nagmagandang-loob na nagdala sa ospital sa kanila," sabi ni Alvin.

Samantala dinala sa Tanay Hospital ang mag-asawang Arsenia at Julio. Subalit hindi na tinanggap ng ospital ang mga biktima sapagkat dead-on-the-spot naman ang biktimang si Arsenia.

"Nang harangin daw ng mga tricycle ang sasakyan nitong si Marlo saka pa lamang tumulong ang mga ito. Tumawag sila ng ambulansiya kaya nadala ito sa Morong General Hospital," sabi ni Alvin.

Halos madurog ang kaliwang hita ng biktimang si Julio sa insidenteng ito dahilan ng hindi nito pagkakalakad sa ngayon. Nagkaroon din ito ng fracture sa mukha. Samantala siniguro naman ng pamilya ng mga biktima kung nakakulong ang driver na nakabundol sa mag-asawang Alanis.

"Hindi naman agad nakulong ang suspek kaya nagtanong kami sa pulis pero nang balikan namin ito kinabukasan nakakulong na ang suspek na parang espesyal ang pagtrato nila dito," kuwento ni Alvin.

Samantala sa pahayag naman nitong si Marlo, mariin nitong sinabing wala siyang kasalanan sa nasabing insidente dahil ang motorsiklong dala nina Julio ang biglang lumipat sa lane na dinadaanan nito.

"Sa tatay ko pa niya sinisisi ang nangyaring aksidente samantalang may magpapatunay na mabilis ang takbo ng sasakyang minamaneho niya dahilan para mabangga niya ang motorsiklong dala-dala nila," kuwento ni Alvin.

Pansamantalang nakalaya ang suspek na si Marlo matapos nitong mag-bail kasabay nito ang pagkuha sa sasakyan nila. Nagkaroon na ng preliminary investigation at naghihintay pa sa huli nitong pagdinig. Umaasa ang pamilya ng biktima na mabibigyan ng hustisya ang sinapit ng kanilang mga magulang.

Payo lamang sa mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho ng sasakyan upang maiwasan ang aksidente.

Nais kong pasalamatan ang tanggapan ni Administrator Benedicto Ulep ng Land Registration Authority sa walang sawa niyang pagpapadala ng representative sa aming tanggapan para sa may mga problema sa lupa. Muli ko ring pinasasalamatan si Engr. Perferio Encisa, Chief, Subdivision & Consolidation Division ng LRA.

Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o ‘di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09209672854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Ugaliing makinig sa aming radio program "HUSTISYA PARA SA LAHAT" kasama si DOJ Secretary Raul Gonzalez, Prosecutor Olive Non at ang inyong lingkod, tuwing Sabado alas-7 hanggang alas-8 ng umaga sa DWIZ 882 am band.
* * *
E-mail address: [email protected]

vuukle comment

ADMINISTRATOR BENEDICTO ULEP

ALETH PAGTANANAN

ALVIN

ALVIN ALANIS

ARSENIA

MARLO

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with