^

PSN Opinyon

Mukhang matigas ang ulo ni Bonilla

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
INIREKOMENDA ng National Bureau of Investigation (NBI) na kasuhan ng paglabag ng anti-graft and corrupt practices act si Violeta Bonilla, chairwoman at president at siyam na kapwa opisyal niya sa Department of Agrarian Reform Employees Foundation Inc. (DAREFI). Ayon kay Atty. Alejandro Tenerife, deputy director ng NBI special investigation section, may sapat na ebidensiya para patawan ng kaso sina Bonilla bunsod sa reklamo ni Antonia Pascual, President ng Department of Agrarian Reform Employees Association (DAFEA). Ito kasing DAREFI ay nag-oopisina sa extension office ng DAREA sa Engineering Division. Gustong paalisin ng DAREA si DAREFIsa kanilang opisina subalit nagmamatigas si Bonilla kayat inilapit ni Pascual ang problema sa NBI at magpre-preliminary investigation na ang kaso. He-he-he! Makakahinga na rin siguro ng maluwag si Pascual sa findings ng NBI, no mga suki?

Ito palang si Bonilla ay dating DAREA president rin. Noong naitayo niya itong DAREFI noong 1998, aba ginamit na ni Bonilla bilang opisina niya ang extension office ng DAREA pati na ng mga computers, printers, Xerox machines, filing cabinets, office tables, at iba pa. Sa pananaliksik ng NBI, ang DAREFI ay isang private corporation, ‘‘separate ang distinct with that of the DAREA since 1998 up to the present.’’ Natuklasan rin ni Tenerife sa Securities and Exchange Commission (SEC) na ang DAREFI ni Bonilla ay duly registered as a non-stock-non profit corporation. Kaya kasama ni Bonilla na kakasuhan ng NBI ang mga opisyales ng DAREFI na sina Ricardo Gamboa, Cerenia Wakat, Areceli Domingo, Jaime Gervacio, Zaida dela Cruz, Belen Laserna, Maria Belza, Limirane Calamba at Rebecca Maadil. He-he-he! Hindi rin kayo malulungkot mga Sir’s at Madam’s dahil marami kayo sa kulungan pag nagkataon.

Bunga sa napatunayan na isang private business entity itong DAREFI, inutusan ni Usec. For Finance and administration Ann Ang si Nelson Genito ang Dir. for administrative services ng DAR na sabihan ang kampo ni Bonilla na umalis na sila sa nasabing opisina para magamit ito ng DAREA. Siyempre, dapat lang naiwan rin nila ang kagamitan ng opisina dahil pag-aari ito ng DAR. Subalit kahit maraming notices na at demand, ang kampo ni Bonilla ay nagsagawa ng maraming appeals at petition kung saan iginiit nila ang kanilang karapatan na manatili sa premises ng DAR. Ilang beses ring na-deny ni Ang ang petition at letter of reconsideration ng DAREFI ni Bonilla.

Subalit, mukhang matigas ang ulo nitong si Bonilla at mga kasamahan niya. Hanggang sa ngayon, nandoon pa rin ang DAREFI sa puwesto at patuloy na gumagamit ng mga tubig, telepono at electricity na ang gobyer- no ang nagbabayad. Ngayon mga suki, alam n’yo na kung bakit nalulugi ang gobyerno natin, dahil dito sa DAREFI na private corporation subalit sa pamahalaan ibinaba- to ang mga gastusin nila. Maliwanag, ani Tenerife, na itong patuloy na operasyon ng DAREFI sa naturang opisina ay malinaw na paglabag ng RA3019 o Anti-Graft and Practices Act, RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials at Malversation of Public Funds or Property as defined under Article 217 of the Revised Penal Code.

Abangan!

ALEJANDRO TENERIFE

ANN ANG

ANTI-GRAFT AND PRACTICES ACT

ANTONIA PASCUAL

ARECELI DOMINGO

BELEN LASERNA

BONILLA

CERENIA WAKAT

DAREFI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with