Hipokritong kumpanya ng sardinas!
November 4, 2005 | 12:00am
MAGSISILBING berdugo ang kolum na ito sa mga tiwaling kumpanya na bilyones kung magnakaw sa pamahalaan dahil sa hindi pagbayad ng kanilang tamang buwis. Patuloy namin itong ilalantad.
Sangkaterbang reklamo ang nakararating sa aming tanggapan hinggil sa mga pandaraya sa buwis ng ilang malalaking kumpanya. Kaduda-dudang nalulusutan ng mga ito ang kanilang obligasyon sa buwis.
Itoy dahil na rin sa pakikipagsabwatan din ng ilang tiwaling empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Bureau of Customs (Boc) kung saan pangunahing ahensiya na napagkukunan ng pondo ng ating pamahalaan.
Inilalantad ng kolum na ito ang aming tinutukoy na kumpanyang Century Tuna Canning kung saan nabigong magbayad ang mga ito ng humigit-kumulang sa P20 milyon na buwis sa pamahalaan.
Hepokrito ang tawag namin dito! Itoy dahil lumulustay ng malaking halaga ng pera ang kumpanyang ito sa kanilang mga advertisements upang mapagtakpan ang kanilang pandaraya sa buwis.
Ang malaking pagkakamali ng kumpanyang ito, mismong mga taga-loob ang lumantad at nagbunyag sa kanilang pandaraya sa buwis.
Tulad din ng kanilang paghuhugas-kamay sa kaso ng kanilang endorser na si Juday kung saan nahaharap sa kasong tax evasion.
Nagmalinis ang kumpanyang ito at kanilang pina-pull out ang advertisement ng Century Tuna. Bago pa man daw sila mabahiran sa kasong P1.5 million tax evasion ni Juday.
Lingid sa kaala-man ng kumpanyang ito, alam ng BITAG at ng kolum na to ang inyong Lihim ng Guadalupe.
Gusto ko lang linawin. Ayaw kong maglaro sa isipan ninu-man, wala kaming pinapanigan sa isyung ito. Hindi namin estilong isalba sa kahihiyan ang isa pa ring may bantot na itinatago.
At sa mga tiwaling kawani ng BIR, tumingin kayo ng deretso at huwag kung saan-saan! Ang inyong nakikita ay bahagi la-mang ng problema at hindi ang ugat ng problema. Tandaan, ka- bilang na kayo sa aming minamanmanan!
Bitag hotline, i-text (0918)9346417 tumawag sa mga numerong 932-8919/932-5310. Makinig tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, BITAG at Lunes hanggang Biyernes 9:00-10:30 a.m. UNTV 37 Cable: 21/51, Bahala sina Ben Tulfo at Erwin Tulfo Brothers.
Sangkaterbang reklamo ang nakararating sa aming tanggapan hinggil sa mga pandaraya sa buwis ng ilang malalaking kumpanya. Kaduda-dudang nalulusutan ng mga ito ang kanilang obligasyon sa buwis.
Itoy dahil na rin sa pakikipagsabwatan din ng ilang tiwaling empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Bureau of Customs (Boc) kung saan pangunahing ahensiya na napagkukunan ng pondo ng ating pamahalaan.
Inilalantad ng kolum na ito ang aming tinutukoy na kumpanyang Century Tuna Canning kung saan nabigong magbayad ang mga ito ng humigit-kumulang sa P20 milyon na buwis sa pamahalaan.
Hepokrito ang tawag namin dito! Itoy dahil lumulustay ng malaking halaga ng pera ang kumpanyang ito sa kanilang mga advertisements upang mapagtakpan ang kanilang pandaraya sa buwis.
Ang malaking pagkakamali ng kumpanyang ito, mismong mga taga-loob ang lumantad at nagbunyag sa kanilang pandaraya sa buwis.
Tulad din ng kanilang paghuhugas-kamay sa kaso ng kanilang endorser na si Juday kung saan nahaharap sa kasong tax evasion.
Nagmalinis ang kumpanyang ito at kanilang pina-pull out ang advertisement ng Century Tuna. Bago pa man daw sila mabahiran sa kasong P1.5 million tax evasion ni Juday.
Lingid sa kaala-man ng kumpanyang ito, alam ng BITAG at ng kolum na to ang inyong Lihim ng Guadalupe.
Gusto ko lang linawin. Ayaw kong maglaro sa isipan ninu-man, wala kaming pinapanigan sa isyung ito. Hindi namin estilong isalba sa kahihiyan ang isa pa ring may bantot na itinatago.
At sa mga tiwaling kawani ng BIR, tumingin kayo ng deretso at huwag kung saan-saan! Ang inyong nakikita ay bahagi la-mang ng problema at hindi ang ugat ng problema. Tandaan, ka- bilang na kayo sa aming minamanmanan!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended