^

PSN Opinyon

Honest airport employee

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
KAMOTE ang driver ng sasakyan ng gobyerno na may plakang SGR-828 isang kulay pulang pick-up na humahagibis sa kahabaan ng San Rafael, Bulacan. Akala tuloy ng kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, na kasabayan nito sa lansangan ay hinahabol ang gago ng multo.

Gabi ng lagim este mali Nov. 1 pala kaya nagmamadali ang kamoteng driver ng SGR-828. Gusto kasi ng gagong driver ng SGR-828 na mauna sa mga sasakyan sa nasabing lugar. Ika nga, banderang tapos!

Katakut-takot na panggugulang ang ginawa ng gagong driver ng SGR-828 dahil sinisiksik nito ang mga sasakyang kanyang nilalampasan. Sabi nga, barumbado talaga!

Aalamin mga kuwago ng ORA MISMO, kung saan naka-attached ang sasakyang ikinukuwento ko kasi bawal gamitin ang mga government vehicle sa pansariling lakad.

Siyanga pala, nananawagan si Joyce Cruz ‘‘Seksi’’ Velunta sa lahat ng mga graduate ng The PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL Batch 1980, dahil ito ang ika-25th year SILVER Anniversary ng nasabing magka-kakosa este mali kaklase pala.

Sa December 17, 2005 sa ganap na alas-5:00 p.m. ipagdiriwang ang High School Reunion sa nasabing eskuwelahan.

Huwag kalimutang tawagan si Ms. Seksi sa telepo-nong 833-3806 o kaya si Ms. Shirley Dimapilis-Acar sa cellphone number 09215109179.

Ang isyu, tuwang-tuwa si MIAA bossing Al Cusi sa ipinakitang katapatan sa tungkulin ni Joshua Lepiten, airport conveyor belt operator dahil sa pagsasauli nito nang halos P.5 million kay Santiago Balayo, isang balikbayan from US of A.

Hindi lang pitsa ang nakalagay sa naiwang bagahe ni

Balayo kundi marami pang important things. Masyado kasing ganado si Balayo na lumabas ng arrival zone sa Terminal I ng NAIA kasi ibig na niyang makita ang kanyang pamilya. Kaya naman naiwanan niya ang kanyang kulay blue back pack.

Buti na lamang at honest si Lepiten kaya naibalik kay Balayo ang kanyang things.

‘‘Mayroon pa palang honest employee sa NAIA,’’ sabi ng kuwagong sepulturero.

‘‘Maraming moving camera sa paliparan kaya madaling makita kung sino ang tirador na titira ng mga bagahe todits,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano kaya ang gagawin ni Al kay Balayo?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Iyan kamote ang abangan natin!’’

AL CUSI

BALAYO

HIGH SCHOOL REUNION

JOSHUA LEPITEN

JOYCE CRUZ

MS. SEKSI

MS. SHIRLEY DIMAPILIS-ACAR

SA DECEMBER

SAN RAFAEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with