^

PSN Opinyon

Si Supt. Melvin Buenafe ng EPD na lang ang hadlang kay Tata Romy

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGBUKAS na noong nakaraang linggo ang peryahan ni Romy Caloocan sa Barangay Rosario, Pasig City. Kaya lang, ilang araw na ang nakaraan subalit wala pang sugal tulad ng color games at iba pa ang peryahan ni Romy Caloocan dahil may nakalimutan pa siyang kausapin. Ayon sa mga suki ko, si Supt. Melvin Buenafe, intelligence chief ng Eastern Police District na lang ang balakid sa negosyo ni Romy Caloocan. Ibig bang sabihin niyan, in na si Tata Romy sa Pasig City police, sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at sa NCRPO? Baka abot langit ang hinihingi ni Buenafe kaya’t nilalangaw pa ang peryahan ni Ka Romy? Kasi nga, dahil sa walang jueteng sa ngayon, sabik na sabik na ang mga Pinoy na magsugal at hindi nila magagawa ’yon hanggang walang green light si Buenafe sa perya ni Ka Romy, di ba mga suki? He-he-he! Sobra talaga ang lakas ni Ka Romy subalit semplang kay Buenafe.

Ang balitang nakarating sa akin, kalahating milyong piso ang upa ni Romy sa terminal ng jeepney sa Bgy. Rosario. Sobra naman ang laki nito? Pero ipinapaliwanag ng suki ko na ang halagang ito ay aabutin naman ng Christmas season kung saan may perang pangsugal ang mga tao. Kaya sa ngayon, binakuran na ni Romy Caloocan ang puwesto para itago niya ang mga sugal sa peryahan niya. Kaya lang dahil sa pagpapakipot ni Buenafe, aba panay bingo, at kung anu-anong paglilibangan pa lang ang laro roon sa peryahan ni Ka Romy. Magbabago pa kaya ang kaisipan ni Buenafe kung ang peryahan ni Ka Romy ang pag-uusapan? Kasi nga atat-na-atat na ang mga adik at mga holdaper na maglaro ng sugal sa peryahan ni Ka Romy. He-he-he! Maraming katanungan na si Buenafe lang ang makasasagot.

Noong isang taon kasi, maagang nagbukas ng peryahan si Ka Romy sa naturang puwesto. Nahinto pa nga ito panandalian at ginuwardiyahan pa ng mga SWAT ng Pasig City police dahil sa di-pagkakaunawaan. Kung kayang upahan ni Ka Romy ng kalahating milyong piso ang puwesto, aba, ibig sabihin niyan tumabo siya ng limpak-limpak na salapi doon noong isang taon at binalikan pa niya ito. Baka naman maganda lang ang parating ni Ka Romy sa barangay, Pasig police, NCRPO at CIDG kaya’t si Buenafe na lang ang nakahadlang. ’Ika nga ang huling baraha ni Ka Romy ay ang katauhan ni Buenafe. Babantayan ko mga suki kung sino ang kukuning padrino ni Ka Romy para iwaglit na lang ni Buenafe ang kanyang isipan sa peryahan niya.

Kung sabagay, hindi lang si Ka Romy ang nagbukas ng negosyo nitong bago mag-Todos los Santos kundi marami pa. Kasi nga nitong Christmas season maraming masabi nating bonus at iba pang pagkakitaan kaya’t maraming Pinoy ang magtatabi ng panlaro nila sa sugal sa peryahan tulad ng kay Ka Romy. Kaya ang panawagan ko sa mga suki natin, ibato n’yo sa akin ang mga puwesto ng perya sa lugar n’yo at ipararating ko sa mga kinauukulan. Wala akong sasantuhin sa problemang dulot ng mga ito. Kung may peryahan kasi, tiyak laganap rin ang mga adik at mga holdaper. Abangan!

vuukle comment

BUENAFE

KA ROMY

KASI

KAYA

LANG

PASIG CITY

PERYAHAN

ROMY

ROMY CALOOCAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with