Nang makumpirmang umeskapo na si Hello Garci, pinakalkal kuno ng pamahalaan ang kanyang records sa Bureau of Immigration. Gagamitin daw ito sa pag-iimbestiga ng BI kung sino ang dapat managot sa Great Escape ni Hello Garci.
Pero biglang nagkaaberya sa Immigration Central Office dahil nagkasunog todits kaya ang nangyari nagkawindang-windang ang mga records. Sabi nga, alaws nang evidence.
Samantala, si Hello Garci ay miles away na sa Pinas. Tatawa-tawa sa kanyang mga nalinlang at nadaya. Ika nga, maghabol kayo sa tambol mayor!
Ngayon namang involve sa controversy ang Department of Budget and Management dahil sa fertilizer fund na ginamit daw sa campaign fund ni Prez GMA, nasunog naman ang Computer Server Room. Ay naku, ano ba ito?
Naka-store sa computer server room ang lahat ng fund disbursement na napunta sa ibat ibang agency ng government, kasama na ang Department of Agriculture.
Nagtataka ako dahil nangyari ang sunog isang araw matapos magbigay ng deposition si former DBM Secretary Emilia Boncodin na ini-release niya ang P291.2 million payable kay DA Secretary Luis Lorenzo para sa Ginintuang Masaganang Ani.
Iniimbestigahan ng Senate Committee on Agriculture sa ilalim ni Sen. Jun Magsaysay sina Lorenzo at former DA Usec Jocelyn "Joc-joc" Bolante regarding the fertilizer scam.
Pero mukhang alaws nang mangyayari sa imbestigasyon. Umeskapo na si Joc-joc Bolante, naabo na rin ang record sa pagkasunog ng DBM computer server room.
"Baka may siping naitago si Boncodin bago siya sumama sa "Hyatt 10" nang mag-resign versus GMA," anang kuwagong bombero.
"Iyan ang problema kung may kopya si Boncodin ng mga important records para gamiting evidence kay Prez Gloria Macapagal Arroyo," natatawang sabi ng kuwagong maninisid ng tahong.
"Eh kung may kopya nga?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Tiyak malaking disgrasiya toits, kamote."