^

PSN Opinyon

Bulag, pipi at bingi na traffic enforcer!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
HABANG patungo sa isang operation ang aming grupo sa Maynila, naaktuhan namin ang isang inutil na traffic enforcer na nagmistulang bulag, pipi at bingi sa kanyang tungkulin.

Kitang-kita ng aming mga mata ang kawalang-silbi ng enforcer na nakilala namin sa kanyang "name clothe" na si G.M. David. Ito ay nakatalaga sa kanto ng Claro M. Recto at Jose Abad Santos, Divisoria, Manila.

Kaagad na ipinagtanong ng aming mga undercover ang aktibidad nitong traffic enforcer na si David. Dito napag-alaman namin na itinuturong sangkot umano ang kolokoy na ’to sa ilegal na aktibidad na kung tawagin ay "tagaktak boys".

Ang tagaktak boys ay ’yung mga cigarette vendors na nangongolekta sa mga motorista na dumadaan sa naturang lugar. Ang koleksiyon naman ay nabibiyayaan daw ang ilang awtoridad kasama na ang mga traffic enforcers gaya umano nitong si David.

Harap-harapan daw ang paglabag ng mga driver ng mga jeepney na bumibiyaheng Divisoria. Pinapayagang mag-left turn sa bawal na lugar.

Ang masahol pa nito, makikita ring madalas na magsilbing "barker" ang traffic enforcer na ’to at ito pa raw ang pasimuno sa pagpapasok sa mga driver sa mga "one way" na mga kalsada sa paligid ng kanyang puwesto.

Oo nga naman, may katwirang maging "tuod" at maging "bulag, pipi at bingi" itong hunghang na ’to. Paano

mo pakikialaman ang mga motoristang lumalabag sa trapiko, e regular naman palang may pakinabang sa mga ito!

Mensahe ng BITAG kay Traffic Enforcer David at sa mga kabaro nito, may panahon pa kayong baguhin ang estilo ng inyong gawain. Bago tuluyan kayong mahulog sa patibong ng BITAG!
* * *
BITAG hotline numbers, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 /932-5310. Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 a.m. IBC-13, "BITAG".

CLARO M

DITO

DIVISORIA

HARAP

JOSE ABAD SANTOS

KAAGAD

TRAFFIC ENFORCER DAVID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with