^

PSN Opinyon

Reaksyon, sunog at EVAT

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NAPAKARAMI ho ng reaksyon tungkol sa nakaraan kong column na may pamagat na "May Kaluluwa Ba?" Nakatanggap ho ako ng kulang-kulang 300 text messages at mahigit 100 e-mails.

Katotohanan marami pa tayong hindi nababasa dahil hanggang Biyernes ng madaling-araw ay meron pa tayong mga (unread) text messages at ganoon din sa dalawa kong e-mail addresses.

Gaya ng dati ay pinag-uukulan ko talaga ng pansin bagama’t merong ilang mga alam naman kong "love letter" galing sa mga kakampi, kaalyado, karantso, kasama, kasabwat ng mga walang puso at kaluluwa na natutuwa rin akong basahin dahil nangagalaiti na sa galit at patuloy na pananakot.

Problema lang nila, hindi na ho ako takot diyan sa mga yan dahil sabi nga ng karamihan matagal na ho akong takot. Tsaka ang katotohanan ay pinalalakas ang loob ko ng mga mambabasa na patuloy na nagbibigay sa atin ng suporta. MARAMING SALAMAT HO SA INYONG LAHAT!

Anyway, marami ho ang mukhang nag-enjoy sa nakaraan kong column at humihirit ang mayorya na ilabas ko raw muli upang makapagtabi sila ng sarili nilang kopya. Dahil diyan sa pakiusap n’yo, ulitin ko ho yan sa November 1 o Araw ng Undas.

Meron naman hong nais dagdagan ang kuwento pero ang lubos ho na kinatutuwa ng inyong lingkod ay reaksyon ng ilang mga madalas mag-text sa akin na kakampi ng kampon ng kadiliman na galit na galit, ngatal na ngatal, gigil na gigil at nagwawalang parang mga asong ulol (tutang ulol pala) dahil pinatatamaan daw natin ang amo nila.

Aaminin ko, diyan ho nadagdagan ang tuwa natin dahil tinatablan pala sila at siguro pati ang amo nila. Buong akala ko kasi ay wala silang mga pakiramdam at mga manhid sa dami ng perang ninakaw, salitang pambobola at paraang pandaraya. May pakiramdam pala. He-he-he!!!

Anyway, tanong ko lang sa mga taong ito na mukhang nasapol, binanggit ko ba kung sino ang malaking taong yon at sino ang asawa niyang yumao na? Wala ho tayong binanggit na pangalan pero inaamin nating may kasamang descriptions na noong buhay pa ay partners in crime sa PAGNANAKAW, PANGANGAMKAM, PAMBOBOLA, PAGSISINUNGALING, PANLOLOKO, PANDURUGAS, PANGGAGANTSO, PANG-AAPI, PAGPAPAHIRAP AT PANGUNGURAKOT SA SAMBAYANAN.

Basahin ho ninyo muli at isipin, may binanggit pa akong pangalan. Wala. Of course, sinama ko rin na mahilig sa mahiwagang bag na itim at kalaro ni LUCIOFER sa golf.

Iniisip ko tuloy, sa napaka violent reaction ninyong mga kampon ng kasamaan (ang mundo kasi ay laban sa pagitan ng kabutihan at kasamaan) sa column ko, tinamaan kayo at eksaktong eksakto ang lahat ng deskripsyon sa amo ninyo.

Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magalit!!! He-he-he!!!

Anyway, ilalabas ko muli ang kwento sa November 1 para yung mga nais magkakopya ay magkaroon at mapagkuwentuhan ninyo ng husto sa mga sementeryo, libingan at memorial park. Share n’yo ho at bigay kayo ng reaksyon.
* * *
Habang sinusulat ko ho ang column na ito ay nasusunog ang Department of Budget and Management (DBM) office sa may Malacañang. Ang sunog ho ay nag-umpisa ng 6 am Biyernes at umabot na po sa fifth alarm, pinakamataas na alarm na nangangahulugang kailangan na ng tulong ng mga bumbero mula sa buong Metro Manila pati na ang mga nearby provinces.

Sana ho walang masaktan sa hanay ng mga empleyado at mga bumbero mula sa Bureau of Fire Prevention at Volunteer Fire Brigades.

Kakapagtaka lang talaga ang timing ng sunog dahil nangyari ito dalawang araw makatapos makapagbigay ng deposition si dating DBM Secretary Emilia Boncodin.

Kasunod din ho ito nang biglang pag-alis ni dating Agriculture Secretary Luis Lorenzo Jr. at dating Agriculture Undersecretary Jocelyn Bolante at pag-iwas sa hearing ng senado tungkol sa P728 million fertilizer funds.

Lumalabas kasi sa records na pati Metro Manila, gaya ng Makati at Quezon city ay binigyan ni Madam Senyora Donya Gloria ng pondo para sa fertilizer bago mag-eleksyon noong Mayo 2004.

Ang matindi pa nito, ayon sa mga naunang report ng sunog ang "nayari" raw nang husto ay ang computer room kung saan nakatago ang karamihan sa records ng DBM kasama na ang tungkol sa fertilizer funds.

Galing talaga ng timing, as usual. Sabi tuloy sa isang FM station, kailangan pa bang I-memorize yan?
* * *
Dalawang araw mula ngayon ay ipatutupad na ho ang Expanded Value Added Tax (EVAT) na naghahangad makakuha ng bilyun-bilyong piso sa tax mula sa mamamayan upang panggastos ng administrasyon.

Dahil diyan at lalong titindi ang paghihirap ng tao dahil taasan na naman ang bilihin pati kuryente at produktong petrolyo kaya komo umpisa nito ay Araw ng mga Patay ay nais na nating ipaabot ang aking pakikiramay sa Sambayanang Pilipino. Sa tindi naman po ng EVAT ni Madam Senyora Donya Gloria ay asahan natin ang pagpatay sa karamihan maliban sa kanila.

Anyway, tungkol ho sa EVAT, marami ho ang biglang nagmamagaling na dapat daw hindi muna ituloy ang EVAT o kaya’y ayusin daw muna nang maigi dahil marami raw magsasamantala rito.

Katanungan ko lang ho, pati kay Sen. Mar "Mr. Palengke" Roxas, bakit pinalusot mo sa senado kung meron pa palang problema at magiging pahirap sa bayan. Bigla ka namang baligtad, ano ba talaga???

Tandaan ho natin ang pitong senador na tumutol sa EVAT. Ang pitong yan na ayaw sa EVAT dahil pahirap talaga sa bayan ay sina Sen. Panfilo "Ping" Lacson, Sen. Aquilino "Nene" Pimentel Jr., Sen. Serge Osmeña III, Sen. Jamby Madrigal, Sen. Loi Ejercito, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Pia Cayetano.

Sa pitong yan, lahat ho ay sa oposisyon at iisa lang ho, si Pia Cayetano ang nasa administrasyon. Kahit mabigat pressure sa kanila nila Madam Senyora Donya Gloria ay hindi sila bumigay.

Ewan ko lang ho sa mga katulad nila Sen. Edgardo Angara at Sen. Juan Ponce Enrile.
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o [email protected] o mag-text sa 09272654341.

AGRICULTURE SECRETARY LUIS LORENZO JR.

AGRICULTURE UNDERSECRETARY JOCELYN BOLANTE

ARAW

DAHIL

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

METRO MANILA

PIA CAYETANO

SEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with