Si Jocelyn Joc-joc bolate este mali Bolante pala ay dating Undersecretary ng Department of Agriculture nabilad ito sa kontrobersya regarding sa million of pesos fertilizer fund sandals este mali scandals pala.
Buwisit ang mga magsasaka na nagpapatulo ng pawis at namamaho ang mga kilikili dahil hindi sa lupa inilagay ang fertilizer kundi sa balota. Ano say mo COMELEC bossing Benjie Abalos, Your Honor?
Nag-ala Pontio Pilato naman si dating DA Secretary Chito Lorenzo dahli alaws daw siyang alam sa mga magic ni Joc-joc. Ika nga, joke, joke, joke!
Tiyak kikintab na naman ang hokbu nina Senator Joker Arroyo at lalapad naman ang noo ni Senator Jun Magsaysay dahil nawalang parang bolate si Bolante. Very bad joke Senator Joker!
Pangalawang times na nalalansi at natatakasan ang Blue Ribbon Committee tungkol sa investigation regarding controversial issues. Remember Hello Garci? Ngayon si Joc-joc naman. Its not a joke!
Gusto ng Senate Blue Ribbon Committee na i-contempt si Joc-joc tulad ng ginawa nila kay Hello Garci. Sabi nga, sino ang iko-contempt nila alaws na sa Pinas at hiding ang mga controversial actors ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo.
Nagmistulang James Bond si bolate este mali Bolante pala habang nasa NAIA toits waiting sa kanyang aircraft na sasakyan dahil patagu-tago ito kasi baka may makakitang NAIA Press Corps Inc., sa ating kontrabida.
Sa Presidential lounge nag-hide and seek si Bolante kasi na-delay ang air- plane nitong sasakyan ang PAL flight PR-102 going to Los Angeles, California US of A, dapat kasing umalis ng 10:30 p.m ang eroplano pero nagkaroon ng aberya kaya 12:30 a.m. na ito nag-fly.
Si Bolante ay pinaghahanap ng Senate Blue Ribbon Committee upang pagpaliwanagin tungkol sa illegal nan paggamit ng pondo ng Ginintuang Masaganang abo este ani pala program of government na million of pesos para raw pondohan ang Presidential campaign ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo versus FPJ.
Unang pinahaharap si Bolante ng komite noong Oktubre 6, subalit hindi ito sumipot. Ika nga, nang-indian!
Second time around October 21, naka-puga ala Palos si Joc-joc nang i-serve ng senate aid ang subpoena sa Westin Philippine Plaza kasi namonitor ng Senado ang kontrabida na naka-hang out ito sa affair ng Rotary Philippines.
Sa palagay natin mga kamote lahat ng ta-ong gobyerno na sasabit sa mga scandal tiyak gagayahin sina Joc-joc at Hello Garci, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.