EDITORYAL Kilos pa BIR!
October 29, 2005 | 12:00am
MARAMING dapat pagkunan ng pondo ang gobyerno para magamit sa pagpapaunlad at maipambayad sa pagkakautang. Isa sa mapagkukunan ng pondo ay ang masinsinang paghabol sa mga hindi nagbabayad ng buwis o doon sa mga nandadaya. Kung tutuusin, puwede nang hindi iimplement ang expanded valued added tax (EVAT) at sa mga makokolektang buwis sa mga hindi nagbabayad na lamang iasa ang mga bayarin sa pagkakautang. Mapapagaan ang pasanin ng taumbayan kung hindi agad iimplement ang EVAT. Nakatakdang ipatupad ang 10 percent na kaltas sa EVAT sa November 1. At ang pagtaas ng singil sa buwis ay magiging daan sa pagtaas ng mga produkto at serbisyo na wala namang ibang mahihirapan kundi ang taumbayan na rin.
Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nararapat magsumikap kung paano madadagdagan ang pondo ng gobyerno. Sila ang may awtoridad dito kaya dapat magpakitang gilas at hindi magningas-kugon. Nakakapangangambang ngayong ipatu- tupad na ang EVAT ay baka hindi na magkaroon ng sigasig ang BIR na habulin pa ang mga kompanya at indibidwal na nandadaya at hindi nagbabayad ng buwis. Baka iasa na lamang sa EVAT ang lahat sapagkat nalalamang malaki ang makukubra ng pamahalaan.
Sa report, sinasabing P106 billion ang nawa- wala sa pamahalaan taun-taon dahil sa mga hindi nakokolektang buwis. At karamihan sa mga hindi nakukolektang buwis ay mula sa mga mayayaman at self-employed indibidwal at mga single-proprietor business establishments. Sinabi ni Negros Oriental Rep. Herminio Teves na 291,601 self-employed individuals lamang ang nagbabayad ng tax at umaabot lamang sa P12.41 billion ang nakokolekta. May kabuuang 482,748 ang mga self-employed individuals. Noong nakaraang taon, nakakolekta lamang ang gobyerno ng P96.7 billion personal income taxes. Si Teves, senior vice chairman ng House ways and means committee ay sinabing nararapat magsagawa ng puspusang crackdown ang BIR sa mga mayayamang self-employed individuals.
Maraming nandadaya gayong kumikita nang malaki. Tinatalikdan ang responsibilidad. Nagpapakasagana sa pera pero ayaw ibigay ang para sa bansa. Habang ang mga government at private employees ay halos wala nang matira dahil sa pagkaltas sa personal income taxes nila, maraming self-employed ang gahaman. Tapusin na ang kanilang kasakiman. Singilin sila!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended