^

PSN Opinyon

4,775 OFWs naging POWs (Prisoner Overseas Workers)

SAPOL - Jarius Bondoc -
MARAMING natutuksong ituring lang silang estadistika. Halimbawa, na 7.5 milyon sila sa anim na kontinente, na nagre-remit ng $9.5 bilyon sa Pilipinas kada taon, kaya lumalabas na pinaka-malagong export ng bansa.

Pero mga tao sila, mga may minamahal at nagmamahal na iniwan sa malayong dampa, upang mabigyan ang pamilya ng kasaganahang hindi makamit sa sariling bansa. Sa kabila ng estadistikang 6,000 sa kanila ang umaalis kada araw, may mga magulang, asawa o anak na nalulungkot. Sa kabila ng ganyang dami, natural lang na may anim sa kanilang umuuwi araw-araw na naka-kabaong, at sa kabila ng estadistikang ‘yon ay mga pamilyang nagdadalamhati. Sa kabila ng estadistikang $100 kada isa kada buwan ang padala nila sa Pilipinas ay ang hirap sa trabaho at panganib o agam-agam sa pagtira sa ibang bansa, klima at kultura.

Sa eksenang ito ko ipapasok ang isa pang estadistika, na nalinang ni Sen. Ralph Recto: 4,775 palang Overseas Filipino Workers ang nakakulong ngayon sa samu’t-saring sala o hinala sa North at South America, Europe, Africa, Australia at Asia. Ang mga kinalalagyang lugar ay ni hindi man lang halos nakikilala, at ang mga kaso ng ilan ay ni hindi tinuturing na krimen sa Pilipinas. Karamihan sa kanila ay hindi halos matulungan ng 82 konsulado ng Pilipinas, dahil kokonti ang pondo sa pasahe o pasalubong, at lalo na sa pag-upa ng abogado. Pinaka-dagsa ang nakapiit sa Malaysia dahil sa kampanya sa illegal residents sa Sabah, pero marami rin sa Middle East sa gitna ng desyerto, o sa nagyeyelong Arctic at kabundukang Andes. Mga engineer o nurse o skilled worker o housewife sila; 1,103 ay babae — mga asawa, ina, anak, kapatid. Naging Prisoner-Overseas Workers.

Hindi maiiwasan ang estadistika sa pag-aaral ng ekonomiya’t bansa. Halimbawa, ang bagong pagsusuri na dalawa sa bawat tatlo sa 159 bansa ay tiwali ang gobyerno, at Pilipinas ang isa sa pinaka-talamak. Nakawan sa gobyerno, tinatantiya sa P60-80 bilyon kada taon (isa uling estadistika), ang isa sa sanhi ng kahinaan ng ekonomiya — na nag-uudyok ng paglisan ng OFWs. At lahat tayo, sa estadistika, ay may kamag-anak na OFW.

HALIMBAWA

KARAMIHAN

MIDDLE EAST

NAGING PRISONER-OVERSEAS WORKERS

NAKAWAN

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PILIPINAS

RALPH RECTO

SOUTH AMERICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with