^

PSN Opinyon

Pag-angkin sa lupa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
INOOKUPAHAN ni Juanita ang 15 lote sa Maynila bilang sublessee ng isang kompanya na siya namang lessee ng mga ito. Ang principal na kontrata ng pagpapaupa sa pagitan ng may-ari ng mga lupa at ng kompanya ay hindi nakarehistro o naka-anota sa titulo ng lupa. Kaya upang maprotektahan ang kanyang karapatan bilang sub-lessee, minabuti ni Juanita na irehistro ang kanyang sublease contract sa titulo ng lupa.

Ngunit noong sinumite niya ang kontrata sa Register of Deeds (RD) hindi ito marehistro dahil wala sa kanya at nasa may-ari ang orihinal ng titulo. Kaya nagsampa na lang siya sa RD ng pormal na pag-aangkin sa lupa bilang sublessee o adverse claim. Upang ma-anota ang nasabing adverse claim ni Juanita, hiniling ng RD sa may-ari ang titulo ng lupa. Tumanggi naman ang may-ari at sinabing wala nang bisa ang sublease contract ni Juanita dahil hindi siya nakakabayad ng renta. Kaya ayon sa may-ari wala nang irerehistro pa. Dahil sa pagtangging ito, humingi ng tulong ang RD sa Korte upang atasan ang may-ari na ibigay ang titulo sa kanya para marehistro ang adverse claim ni Juanita. Magagawa ba ito ng Korte?

Magagawa ng Korte. Sa ilalim ng Land Registration Act may kapangyarihan ang Korte na utusan ang may-ari o sinumang may hawak ng titulo na ilabas ang titulo para ma-rehistro ang isang adverse claim. Ang umano’y kawalan ng bisa ng contract of lease o kasunduan sa pagpapaupa ay hindi sapat na dahilan upang tanggihang ilabas ang titulo. Ang layunin ng pagre-rehistro ng adverse claim ni Juanita ay para abisuhan lang ang ibang tao tungkol sa karapatan ni Juanita sa lupa. Ang mga usapin tungkol sa pagkabalido ng kontrata ni Juanita ay mga bagay na dapat pasyahan pagkaran, at hindi bago, marehistro ang adverse claim. Kailangang ma-rehistro muna ito bago pasyahan ang pagka-balido nito (Register of Deeds of Manila vs. Cruz, 95 Phil. 818).

ADVERSE

ARI

JUANITA

KAYA

KORTE

LAND REGISTRATION ACT

MAGAGAWA

REGISTER OF DEEDS

REGISTER OF DEEDS OF MANILA

TITULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with