^

PSN Opinyon

Sa harap ng ating kahinaan

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NAITANONG n’yo na ba sa inyong sarili kung bakit minsan, sa kagustuhan ninyong makagawa ng kabutihan, ay doon pa lalo kayo nagkakamali at nakakagawa ng kasamaan?

Iyon ang tinatawag na "kahinaan" ng tao. Sa ating isip ay kumbinsido tayo na dapat gumawa ng kabutihan, at tama ang gumawa ng kabutihan. Ngunit ang mga ikinikilos natin, pati na ang ating sinasabi, ay taliwas sa mga mabubuting intensiyon natin.

May tugon si San Pablo sa ganoong pangyayari na bahagi ng Unang Pagbasa sa ating liturhiya ngayon (Rom. 8:26-30).

"Gayon din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin, sa paraang hindi magagawa ng pananalita. At nauunawaan ng Diyos na naka-sasaliksik sa puso ng tao, ang ibig sabihin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu’y lumuluhog para sa mga banal, ayon sa kalooban ng Diyos.

"Alam natin sa lahat ng bagay, ang Diyos ang gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga ito’y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak, at sa gayon, naging panganay natin siya. At ang mga itinalaga niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay kanya namang binigyan ng karangalan."


Kaya sa harap ng ating kahinaan, huwag manghinawang manalangin sa Banal na Espiritu. Sa gayon, sa ating pagsusumikap, siya mismo ang luluhog sa Diyos upang tayo’y tulungan sa panahon ng ating kahinaan.

ALAM

ANAK

ATING

DIYOS

ESPIRITU

GAYON

IYON

SAN PABLO

UNANG PAGBASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with