^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Ekonomiya raw ay tumaas pero ba’t di maramdaman

-
LIMANG porsiyento raw ang itinaas ng ekono-miya ng bansa, ito ang may pagmamayabang na sinabi ni President Arroyo noong Sabado bago nakipagpulong sa National Security Council at sa Cabinet economic cluster sa Malacañang. Umangat ang ekonomiya sa kabila nang matinding krisis sa pulitika at ayon sa Presidente naniniwala siyang nagsisimula na ang pag-imbulog nito. Ayon kay Mrs. Arroyo ang gross domestic product (GDP) mula July hanggang September ay tumaas ng five percent sa kabila ng political tension. Umangat ang ekonomiya sapagkat nakapokus ang gobyerno rito.

Magandang marinig ito mula sa isang Presidente. Sino ba ang hindi matutuwa na malamang umaangat pala ang ekonomiya at nangyari sa kabila nang mga malawakang protesta sa kalsada. Sino ba ang hindi matutuwa gayong napag-iiwanan na nga ang Pilipinas ng mga kalapit bansa kung ang pag-uusapan ay ang ekonomiya. Ang Vietnam na matagal ng pininsala ng giyera ay umiimbulog na at ganoon din naman ang Thailand.

Ang pag-angat daw ng ekonomiya ay nangyari sapagkat laging nakatuon ang pansin ng gobyerno rito. Sa madaling salita, hindi pinababayaan kaya nakamit ang limang porsiyentong pag-angat. Subalit ang nakapagtataka lamang, ang sinasabing pag-angat ay hindi naman maramdaman. Paano nga ba madadama ang sinabing pag-angat at nang ganap na maniwala ang marami lalo na ang mahihirap?

Ang sinabing pag-angat ng ekonomiya ay naganap habang maraming nagpoprotesta at humihiling na bumaba sa puwesto si Mrs. Arroyo. Nag-ugat ang krisis sa pulitika nang mabuking ang pakikipag-usap ni Mrs. Arroyo sa isang Comelec commissioner na pinaniniwalaang si Virgilio Garcillano. Kahit na nagsorry si Mrs. Arroyo nagpatuloy pa rin ang kaguluhan. Nawalan ng kapanatagan.

Hindi madama ang pag-angat ng ekonomiya sapagkat hanggang sa kasalukuyan, patuloy na naghihigpit ng sinturon ang taumbayan dahil sa walang tigil na pagtaas ng petroleum products. Sa pagpapatupad ng expanded value added tax (E-VAT) sa November 1 tiyak na lalo pang maghihigpit ng sinturon ang mahihirap. Tataas ang koryente, tubig, bayad serbisyo ng doctor at iba pa. Ang mahihirap pa rin ang magpapasan ng E-VAT.

Umangat daw ang ekonomiya. Kailangan muna itong madama bago maniwala ang taumbayan.

ANG VIETNAM

ANGAT

EKONOMIYA

MRS. ARROYO

NATIONAL SECURITY COUNCIL

PAG

PRESIDENT ARROYO

SINO

UMANGAT

VIRGILIO GARCILLANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with