Noong 1953, iginawad na kay Mike ang kanyang aplikasyong mapatituluhan ang lupang sinasaka niya. Inisyu ang orihinal na titulo sa pangalan niya kung saan nakalagay na siya ay "biyudo". Noong 1965 namatay si Mike. Di nagtagal, sumulpot na naman si Monet at tinangkang angkinin ang karapatan niya sa lupa bilang naiwang legal na asawa ni Mike. Walang kahihiyang nagsampa pa ng kaso si Monet sa Korte upang umanoy iwasto ang nakalagay sa titulo na "biyudo" si Mike at gawin itong "kasal kay Monet". Ito naman ay agad tinutulan ng mga anak. Mapapalitan kaya ni Monet ang titulo?
Hindi. Ang pagpapalit ng hinihiling ni Monet ay hindi pinahihintulutan ng batas. Ayon sa Section 12 ng Act 496, maaaring baguhin ang nakalaman sa titulo kung walang tutol ang mga interesadong
partido o walang adverse claim sa panig ng ibang tao. Sa kasong ito, ang mga anak na babae ni Mike ay mahigpit na tumututol at tinatanggihan ang pagsususog na ibig ni Monet. Kaya hindi basta mapapalitan ang titulo. Kailangang magsampa si Monet sa Korte ng paglilitis upang patunayan niya ang kanyang inaangking karapatan. (Sotto vs Jareno 144 SCRA 116)