^

PSN Opinyon

Inang nangaliwa bumalik para angkinin ang lupa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
IKINASAL si Mike at Monet noong 1933. Noong 1939 nag-file ng aplikasyon si Mike upang matituluhan ang ilang hektaryang lupang sinasaka niya sa ilalim ng homestead patent. Nilagay niya sa aplikasyon na siya ay "kasal kay Monet". Noong 1942, habang hindi pa naaprubahan ang "homestead application" niya, lumayas si Monet at inabandona siya at tatlong anak nilang babae upang makiapid sa ibang lalaki. Di nagtagal, sumama pa muli si Monet sa iba pang lalaki at nagkaroon pa ito ng 11 anak sa nasabing pangalawang lalaki . Mula noon, wala nang naging balita at hindi na ninais pang malaman ni Mike at tatlong anak nila kung nasaan si Monet. Para sa kanilang mag-aama, si Monet ay patay na.

Noong 1953, iginawad na kay Mike ang kanyang aplikasyong mapatituluhan ang lupang sinasaka niya. Inisyu ang orihinal na titulo sa pangalan niya kung saan nakalagay na siya ay "biyudo". Noong 1965 namatay si Mike. Di nagtagal, sumulpot na naman si Monet at tinangkang angkinin ang karapatan niya sa lupa bilang naiwang legal na asawa ni Mike. Walang kahihiyang nagsampa pa ng kaso si Monet sa Korte upang umano’y iwasto ang nakalagay sa titulo na "biyudo" si Mike at gawin itong "kasal kay Monet". Ito naman ay agad tinutulan ng mga anak. Mapapalitan kaya ni Monet ang titulo?

Hindi.
Ang pagpapalit ng hinihiling ni Monet ay hindi pinahihintulutan ng batas. Ayon sa Section 12 ng Act 496, maaaring baguhin ang nakalaman sa titulo kung walang tutol ang mga interesadong

partido o walang adverse claim sa panig ng ibang tao. Sa kasong ito, ang mga anak na babae ni Mike ay mahigpit na tumututol at tinatanggihan ang pagsususog na ibig ni Monet. Kaya hindi basta mapapalitan ang titulo. Kailangang magsampa si Monet sa Korte ng paglilitis upang patunayan niya ang kanyang inaangking karapatan. (Sotto vs Jareno 144 SCRA 116)

AYON

INISYU

JARENO

KORTE

MIKE

MONET

NIYA

NOONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with