^

PSN Opinyon

Kangaroo court

- Al G. Pedroche -
NANG mairita si Presidente Arroyo sa Senado, tinawag niya itong "kangaroo court." Well, I don’t agree with this labelling pero nauunawaan natin ang damdamin ng Pangulo. May katuwiran siyang mainis. Sobra na ang mga Senate probes na isinasagawa na wala namang kinahihinatnan.

Hindi natin pinipigilan ang Senado sa pagbusisi sa mga kontrobersyal na isyu gaya ng "Hello Garci" at jueteng payola. Gayunman dapat nitong pagtuunang pansin ang ibang importanteng isyu na nakakaapekto hindi lang sa gobyerno kundi sa mamamayan. Isa na sa mga usaping ito ang tungkol sa Philcomsat group of companies. Mukhang minor issue pero may impact sa kapakanan ng bayan. Bakit? Dahil may saping puhunan dito ang pamahalaan.

Ang gobyerno ay may 35 porsyentong ownership sa Philippine Overseas Telecommunications Company (POTC), Philippine Communications Satellite Corp. (PHILCOMSAT) at Philcomsat Holdings Corp. (PHC). pero dahil nga sa gulong nangyayari sa mga kompanyang ito, hindi nakikinabang ang pamahalaan. Natutulog ang pera ng bayan.

POTC is just surviving
dahil sa marginal operations ng Philcomsat. Samantala ang dalawa pang kompanya ay walang pagkakautang kaya may positibo pa ring net worth. Ang PHC ay matatawag na cash-rich. May datung na nakadeposito sa mga banko at money market. Iyan ang pangunahing pinagkukunan ng income ng PHC bukod sa mga sinisingil na paupa sa mga condominium nito.

Ang tanong, bakit ni minsan ay hindi nagdeklara ng dibidendo ang PHC sa pamahalaan. Bokya ang pamahalaan. May malansa tayong naaamoy. Sangkatutak na milyones ang ginagastos ng kompanya bilang bayad sa mga consultants kasama na ang representation allowance at entertainment na umabot sa P6.4 milyon para lamang sa taong 2004. Ayon sa mga papeles na isinumite sa SEC, ang PHC ay nagbigay ng P94 milyon in advances sa Philcomsat noong 2001 hanggang 2005 at P14.8 milyon sa POTC noong 2003 hanggang 2005. Ito’y kabuuang P108 milyon.

Pero sa kabila nito mahigpit na pinabubulaa-nan nina Philcomsat President Victor Africa at Chairperson Erlinda Bildner na ang mga naturang kompanya ay tumanggap ng ganyang halaga mula sa PHC. Ang PHC ay pinatatakbo ng ibang grupo sa pangunguna ni Manuel Nieto, Jr. Ang grupong ito ang nagtatangkang umagaw ng kapangyarihang patakbuhin ang mga kompanyang pinamamahalaan ng grupo ni Africa. May mga kinatawan ang pamahalaan sa mga kompanyang ito porke mayroon itong sosyo. Ano ang ginagawa ng pamahalaan para maresolba ang problemang ito? Maaaring hindi kasing-kontrobersyal ng "Hello Garci" at jueteng payola issue ang mga ito pero marahil, dapat ding pansinin ng ating Kongreso lalu na ng Senado para patunayang hindi ito "kangaroo court."

CHAIRPERSON ERLINDA BILDNER

HELLO GARCI

JR. ANG

MANUEL NIETO

PHC

PHILCOMSAT

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with