^

PSN Opinyon

Malakas na lindol

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Malakas na lindol ang biglang tumama
Sa bansang Pakistan at karatig-bansa;
Walang warning warning ito’y naminsala
At maraming buhay ang biglang nawala!

Maraming gusali mababa’t mataas
Lahat ay gumuho – lahat ay napatag;
Pagkain at hayop ay naglahong ganap
Kinain ng lupa’t naparam na lahat!

Ganitong sakuna’y di maiiwasan
Pagka’t ito’y dulot nitong kalikasan;
Sakuna rin itong di napaghandaan
Pagka’t dumarating ng bigla-biglaan!

Ang lindol ay lubhang napakahiwaga
Dumarating ito kahi’t saang bansa;
Kumikilos ito nang lihim sa madla
Doon sa ilalim -— sa vortex ng lupa!

Kaya tayong mga nasa Pilipinas
Sa Poong Maykapal dapat pasalamat;
Pasalamat tayo -— ang lindol umiwas
Sa malayong bansa ay doon naganap!

Kung dito tumama lindol na naturan,
Itong bansa nati’y lalo pang gagapang;
Hirap na hirap na sa mga awayan
Tiyak sa relief goods ay mag-uunahan!

At tumpak din naming tayong Pilipino
Sa mga nilindol makiisa tayo;
Pagtulong at dasal kasama ng mundo
Sa mga naligtas sa lindol ng siglo!

Kung iisipin mo’y ganito talaga
Ang mabuhay ngayon kahi’t walang g’yera;
Sa lindol at bagyo’y nagiging salanta
Mga mamamayang lumimot sa Kanya!

DUMARATING

GANITONG

HIRAP

ITONG

KANYA

KAYA

KINAIN

KUMIKILOS

PAGKA

SA POONG MAYKAPAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with