Nag-alaga ng ahas!
October 23, 2005 | 12:00am
KINUPKOP ni Yvonne Mejala, 27, ang kaibigan na si Darlene Blanco dahil nagmakaawa ito na walang trabaho. Ito kasing sina Mejala at Blanco ay dating magkasama sa trabaho sa isang restaurant at maganda naman ang kanilang samahan. Kaya habang naiwan sa kanilang bahay sa 11 Old Sauyo Road. Jem 7 Subdivision sa Talipapa, Quezon City si Blanco, panatag naman ang loob ni Mejala sa pag-report sa kanyang trabaho. Si Mejala, maliban sa pagiging singer sa mga club at restaurang ay part-time dubber din ng mga TV programs sa ABS-CBN at sa GMA-7. Siyempre, dahil sobra ang kayod niya marami na ring naipon si Mejala. Subalit ang kasiyahan ni Mejala na tumulong sa kapwa na nangangailangan ay napawi noong Oct. 13 nang umuwi siya at tumambad sa kanya na sira ang door knob ng kuwarto niya. Lalong kinabahan si Mejala nang makitang bukas din ang kanyang closet niya. Doon kasi nakatago ang ipon niyang P65,000 at mga alahas na nagkakahalaga ng P193,000. Kasabay na nawala rin sa bahay si Blanco at hindi na mahagilap kahit tawagan sa cellphone. He-he-he! Nag-alaga ng ahas si Mejala, no mga suki!
At siyempre, dahil pinaghirapan niya ang kanyang pera, hindi nag-aksaya ng panahon si Mejala at ini-report ang nangyaring nakawan sa Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD). Nilapitan niya si Supt. Sotero Ramos, ang hepe ng Regional Intelligence and Special Operations Office (RISOO) ng NCRPO. At hindi nagkamali nang nilapitan si Mejala dahil naaresto si Blanco apat na araw matapos hawakan ni Ramos ang kaso. Hindi akalain ni Blanco na matutunton siya ng mga bataan ni Ramos sa tinutuluyan niyang bahay sa Block 41, Zone 4, Correctional Road, Nueve de Pebrero sa Mandaluyong City noong Oct. 17. He-he-he!
Ayon kay Ramos, gusto pang kumaripas ng takbo ni Blanco nang makita ang parating niyang mga tauhan. Inalis din daw ni Blanco ang kuwintas na suot, pati na ang mga earrings. Ang kuwintas at earrings ay kabilang sa mga ninakaw kay Mejala. Umamin naman kaagad si Blanco at isinurender kay Ramos ang isang shoulder bag kung saan nakatago ang natitirang P42,000 at mga alahas na nagkakahalaga ng P110,500. Buong-buo na isinoli ni Ramos ang mga narekober na cash at alahas kay Mejala. Hindi akalain ni Mejala na may mababawi pa siya sa nawala sa kanya.
Si Blanco ay kasalukuyang nakapiit sa RISOO headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang inihanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.
Kaya ang moral lesson dito sa istorya ni Mejala, huwag magtiwala basta-basta kahit kanino pang kakilala. Sa hirap ng buhay ngayon, kung anu-anong modus operandi na ang kakalat para lang kumita ang mga halang ang kaluluwa.
Kaya mga suki, sana magsilbing leksiyon ang kaso ni Mejala at Blanco sa inyo. Congrats for a job well done Supt. Ramos Sir!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended