Ang nasabing study ay iniharap ni Dr. Anotti Tanskanen ng University of Keropio sa Finland sa pagpupulong ng American Psychiatric Association.
Ayon kay Dr. Tanskanen ang isda ay may Omega-3 polyunsaturated fatty acids o PUFA na malaking tulong para mapuksa ang sobrang depression na ang utak ay masyadong apektado gayundin ang puso. Napag-alaman na ang mga kapsula ng Omega-3 fatty acids ay nakatutulong sa paggamot sa may manic-depression. Ayon pa sa doktora ang mga bansang may higher per capita fish consumption ay mababa ang rate ng major depression.
Nakukuha ang potassium sa pagkain ng mga prutas at gulay, karne at gatas.
Napakayaman sa potassium ng saging. Ang iba pang good sources ng potassium ay ang orange juice, tomato juice, honeydew melon, baked potato, dried beans, dates, cooked winter squash, spinach, brocolli, prunes at abokado. Mahalaga ang potassium para bumaba ang blood pressure at maiwasang magka-kanser.
Bagamat kaunti lang ang naitalang potassium deficiency, itoy nangyayari dahil sa sobrang pagda-diet, diarrhea, laxative abuse, severe burns at problema sa kidney.