Abangan ang mas malalimang pag-imbestiga sa OILINK International Corp.!
October 21, 2005 | 12:00am
BINIBIGYAN-DIIN ng kolum na to, hindi kami kayang patahimikin ninuman o sa anumang paraan. Tinatapos namin ang lahat ng aming nasimulan lalo na kung itoy isang sensitibong usapin tulad ng aming pagbubunyag hinggil sa kaso ng SMUGGLING ng kumpanyang OILINK International Corporation.
Milyones ang nanakaw sa pamahalaan dahil sa pamemeke ng dokumento at pandaraya sa custom duties ng naturang kompanya at sa bugos na Sun Trading na nagsisilbing dummy ng OILINK International Corporation.
May panuntunan na sinusunod ang kolum na to at maging ang BITAG. Hindi namin ikinukuwento kung hindi natin naidu-dokumento. Ito ang dahilan ng pansamantalang pagtigil ng aming exposé sa kontrobersyal na kasong smuggling.
Tulad ng aking nabanggit sa mga nakaraang isyu ng kolum na to, nagiging maingat lamang kami. Ilang dokumento pa ang aming hinihintay mula sa aming mga sources bago namin ituloy ang aming karagdagan pang pagbubunyag.
Malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng BITAG. Ito ay sa pamamagitan din ng pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng pamahalaan lalo na yung may kinalaman sa usaping ito.
Layon naming makatiyak ang publiko, mapunta sa kaban ng pamahalaan ang milyones na nakulimbat ng mga nabanggit na kumpanya.
Sa mga may-ari at direktor ng OILINK International Corporation, wala pa kayong dapat na ipagdiwang. Hindi pa tapos ang BITAG laban sa inyo!
Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng telebisyon at radyo sa ating bansa, nagsanib ang puwersa ng dalawang TV investigative team, ang BITAG ng inyong lingkod at MISSION X ng aking kapatid na si Erwin Tulfo.
Pinagsama ito sa isang programa sa telebisyon sa pamamagitan ng UN Television (Channel 37) kung saan mapapanood din sa buong daigdig live via Globecast. Ito ay sa pamamagitan ng pag "log-on sa aming WEBSITE na www.untvweb.com., alas-9:00 hanggang alas-10:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.
Sabayan din itong napapakinggan live sa DZME 1530 Khz, alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng umaga.
Layon ng programa ang mapalawak ang aming serbisyo sa alinmang dako ng bansa at maging sa ibayong dagat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest