Nalalanghap natin ang maruming usok at ito ang pangunahing dahilan kung bakit libu-libong naninirahan sa Kamaynilaan ang laging may ubo o sipon.
Pero nababawasan o nawawala ang smog na ito sa panahon ng tag-ulan o kung may bagyo. Mapaminsala man ang bagyo, may dulot ding kabutihan.
Kamangha-mangha na ang kalikasan ay may sariling paraan para gamutin ang mga sugat nito. Pero iba na ang usapan kapag malalim ang ginawa nating sugat o kung sobra na ang pag-abuso. Tiyak na gaganti ang kalikasan.
Ang hurricane na pumatay ng libu-libo katao at muntik nang burahin ang New Orleans sa mapa ay isinisisi sa global warming. Maging ang tsunami na naunang tumama sa maraming Asian countries at ikinamatay din nang mahigit 100 libong katao ay dahil din daw sa global warming.
Dahil sa global warming tinataya ng mga siyentipiko na magugunaw ang mga iceberg sa north pole. Sa paggunaw ng iceberg, tataas ng kalahating metro ang tubig sa karagatan. Pag nangyayari yon lubog na sa tubig ang London, Los Angeles at Amsterdam. Baha rin araw-araw sa Maynila.
Walang imik ang kalikasan, pero matindi ang ganti kapag inaabuso.