^

PSN Opinyon

Igalang ang kalikasan

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
KAHIT maganda ang panahon, parang may ulap na lumulukob sa Kamaynilaan tuwing umaga, lalo na kung tag-araw. Hindi iyon senyal ng darating na ulan. Iyon ay ang tinatawag na smog o usok ng sasakyan at pabrika na naipon sa himpapawid.

Nalalanghap natin ang maruming usok at ito ang pangunahing dahilan kung bakit libu-libong naninirahan sa Kamaynilaan ang laging may ubo o sipon.

Pero nababawasan o nawawala ang smog na ito sa panahon ng tag-ulan o kung may bagyo. Mapaminsala man ang bagyo, may dulot ding kabutihan.

Kamangha-mangha na ang kalikasan ay may sariling paraan para gamutin ang mga sugat nito. Pero iba na ang usapan kapag malalim ang ginawa nating sugat o kung sobra na ang pag-abuso. Tiyak na gaganti ang kalikasan.

Ang hurricane na pumatay ng libu-libo katao at muntik nang burahin ang New Orleans sa mapa ay isinisisi sa global warming. Maging ang tsunami na naunang tumama sa maraming Asian countries at ikinamatay din nang mahigit 100 libong katao ay dahil din daw sa global warming.

Dahil sa global warming tinataya ng mga siyentipiko na magugunaw ang mga iceberg sa north pole. Sa paggunaw ng iceberg, tataas ng kalahating metro ang tubig sa karagatan. Pag nangyayari ‘yon lubog na sa tubig ang London, Los Angeles at Amsterdam. Baha rin araw-araw sa Maynila.

Walang imik ang kalikasan, pero matindi ang ganti kapag inaabuso.

BAHA

DAHIL

IYON

KAMANGHA

KAMAYNILAAN

LOS ANGELES

MAPAMINSALA

MAYNILA

NEW ORLEANS

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with