^

PSN Opinyon

Hindi pa kami tapos sa OILINK International Corporation

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
HUMIHINGI ng paumanhin ang kolum na ito sa pagkakahinto ng aming ‘‘exposé’’ hinggil sa pamemeke at pandaraya sa custom duties ng kumpanyang OILINK International Corporation.

Mas malalimang imbestigasyon ang aming isinasagawa sa kasalukuyan laban sa naturang kumpanya at sa ginagamit nitong bogus na kumpanyang Suns Trading sa lalawigan ng Bataan.

Nililinaw ng kolum na ito,’’ hindi kami nanahimik sa aming pagbubunyag dahil sa anumang dahilan. Dahil dito, wala ring dapat ipag-piyesta ang mga opisyal at mga direktor ng OILINK International Corporation dahil di pa tapos ang BITAG laban sa inyo. Abangan sa susunod na mga isyu ng kolum na ito!
* * *
Maraming reklamo na ang natatanggap ng aming tanggapan hinggil sa umano’y lantaran at garapal na ‘‘robbery extortion’’ na ginagawa ng ilang miyembro ng traffic enforcers ng Makati City.

Partikular na inirereklamo ng mga nabibiktima ng ‘‘extortion’’ ang tatlong ‘‘kolokoy’’ na miyembro ng MAPSA na nakatalaga diyan sa kanto ng Edison at Finlandia, Makati City. Pawang mga professional ang mga nabibiktima ng tatlong hunghang.

Kabilang sa lumapit sa amin ang isang doktora at driver ng isang engineer. Halos magkapareho ang kanilang salaysay sa ‘‘modus’’ ng mga ‘‘dorobong’’ miyembro ng MAPSA.

Sa aming ‘‘on-cam interview’’ sa dalawang biktima, positibo nilang itinuro ang isang nagngangalang ‘‘BONILLA’’ na umano’y nanghuli sa kanila at nangotong.

‘‘Hindi po kasi mapapansin ’yung traffic sign na nakakabit sa kanto ng Edison at Bautista streets kaya kapag nagmama-dali kayo, tiyak mapapaderetso kayo palabas ng Buendia Avenue. Magugulat na lamang kayo dahil biglang lilitaw si Bonilla para hulihin kayo.’’
Ayon sa salaysay ni Dra. Iyang.

Dahil dito, agad naming isinagawa ang surveillance operation sa itinurong lugar at mga traffic enforcers. Positibo ang inilapit sa aming reklamo. Bunsod nito, nakipag-ugnayan agad ang aming grupo sa Criminal Investigation and Detection Group-Southern Police District (CIDG-SPD).

Subalit sa isinaga-wang operasyon ng BITAG at ng CIDG-SPD, nakalusot man ang inireklamong si BONILLA, hindi pa rin nangangahulugang lusot ka na sa aming patibong. Abangan ang detalye nito sa aming T.V. investigative program, ang BITAG!

ABANGAN

AMING

AYON

BUENDIA AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-SOUTHERN POLICE DISTRICT

DAHIL

INTERNATIONAL CORPORATION

MAKATI CITY

SUNS TRADING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with