^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Politicians ang sisihin kaya maraming bulok na schools

-
PULITIKA ang dahilan kaya magulo ang bansa ngayon. Pulitika ang almusal, tanghalian, meryenda at hapunan. Dahil sa pulitika kaya nagkawatak-watak ang mga Pinoy at masaklap malaman na ang mga pulitiko pala ang dahilan kaya maraming eskuwelahan ngayon ang palpak. Maryosep! Pinakialaman na lahat ng salot na mga pulitiko at pati mga eskuwelahan pala ay idinamay din.

Ang pakikialam ng mga pulitiko ang dahilan sa pagsulpot nang maraming schools na wala namang kakayahan na makapagdagdag nang nalalaman sa mga estudyante. Pawang bulok ang nai-produce ng mga schools na pag-aari o ginarantiyahan ng mga pulitiko. Ang kabulukang ito ay inihayag mismo ni DepEd Undersecretary Juan Miguel Luz na kamakailan ay sinibak ng Malacañang. Mula sa Malacañang ay inilipat sa DOLE si Luz. Maganda naman ang ginawang pagbubunyag ni Luz tungkol sa kabulukang nangyayari na ang may kagagawan ay ang mga salot na pulitiko.

Nakikialam ang mga pulitiko at isang magandang halimbawa ni Luz tungkol dito ay ang nangyari kay Fr. Rolando de la Rosa, dating chairman ng Commission on Higher Education (CHED). Nagsagawa ng crack down si De la Rosa laban sa mga mahihinang nursing schools sa buong bansa. Ipasasara na ang mga bulok na school ng nursing nang biglang magpunta sa Malacañang ang mga salot na pulitiko at sinabihan si De la Rosa na itigil ang kanyang ginagawa. Iyon ang dahilan kaya nagbitiw si De la Rosa. Kaya hanggang ngayon, patuloy ang mga nursing schools na bulok. Kinukuwartahan lamang ang mga nag-eenrol na estudyante. Ni isa sa mga graduate ng nursing sa bulok na school ay walang makapasa sa board exam.

Ang pagsulpot din ng mga mahihinang schools dahil sa pakikialam ng mga pulitiko ang dahilan nang mababang porsiyento ng mga pumapasa sa Licensure Examinations for Teachers (LET). Nakakahiya ang resulta ng mga nakapasa sa LET na ibinigay noong Agosto, 26.73 lamang o dalawa sa bawat 10 education graduates lamang ang nakapasa. Nakahihiya na ay nakadidismaya pa.

Maraming pulitiko na nagmamay-ari ng mga eskuwelahan at sinumang kumanti sa kanilang negosyo ay tagpas ang leeg. Hindi maaaring maipasara ang kanilang school o ang binabackup nila kahit na ito ay bulok. Kalabisan nang sabihin na "magdadaan sa ibabaw ng kanilang bangkay". Kawawang mga estudyante na nahaharap din sa kabulukan dahil ang magtuturo ay bulok! Sisihin ang mga salot na pulitiko.

AGOSTO

BULOK

DAHIL

HIGHER EDUCATION

LICENSURE EXAMINATIONS

LUZ

MALACA

PULITIKO

UNDERSECRETARY JUAN MIGUEL LUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with